Isang doktor ang nagmagandang loob sa 65-anyos na lalaki matapos nya itong makitang naglalakad sa kahabaan ng NLEX o North Luzon Expressway.
Bunsod ng limitadong transportasyon ngayon sa bansa dulot ng lockdown, karamihan ay hirap sa paggalaw.
Ito ang kwento ng isang matanda mula sa Pampanga.
Ayon kay Sherwin Enriquez, doktor mula sa Philippine General Hospital (PGH), namataan nya ang kawawang matanda habang nagmamaneho sya papuntang Manila para kunin ang donasyon para sa kanilang fundraising campaign.
Sabado, April 4, nang makita nya ang lolo sa NLEX.
Base sa video na in-upload ng doktor, tila emosyonal ang matanda nang alukin ni Enriquez ng libreng sakay ang lalaki.
Papunta raw sya sa Cubao sa Quezon City ngunit dahil sa tigil transportasyon ay kinailangan nyang lakarin ang napakalayong syudad sa kabila ng katandaan. Paghingi ng tulong sa kanyang kapatid ang kanyang pakay sa pagluwas.
Sa video, makikita ang matanda na nagpipigil ng luha habang sinasabing “walang masakyan,”
Habang nakikipag-usap sa doktor, bakas ang paghihirap sa kasalukuyang sitwasyon sa mukha ng matanda na hawak-hawak pa ang binalatang mangga sa kanang kamay, at ang mga pinagbalatan nito sa supot sa kaliwa.
Kwento ng matanda, pumipitas sya ng mangga pag may madadaanan para lang may makain habang naglalakad.
“I decided to give him a ride and five minutes later, he was already sleeping,” saad ng doktor na nagdesisyong pasakayin ang lalaki.
Subalit pagdating sa NLEX Bocaue Toll Gate Office, nagpasya si Enrique na i-turn over na sya sa mga otoridad para mas matugunan ang kanyang mga pangangailangan, dala na rin ng mahigpit na quarantine guidelines.
Pero bago umano sila maghiwalay, ayon sa good samaritan, ay binigyan nya ito ng packs of biscuits at kaunting pera.
READ: Nurse, pinangaralan ang mga artistang nagpahayag ng galit sa pamahalaan
READ: Pangungurakot sa pondo para sa C0VID-19 assistance, nakunan sa video
Love this article? Sharing is caring!

Doktor, pinasakay ang lolo na naglakad pa mula Pampanga papuntang Quezon City
Reviewed by The News Feeder
on
08 April
Rating:
No comments:
Share your thoughts here...