Kabi-kabila ang mga lumulutang na kwento ng bayanihan sa bansa sa gitna ng krisis sa kasalukuyan. Isa na dito ang ginawa ng mag-tito na taga-Batanes.
Sa kagustuhang makatulong sa kanilang mga kababayan, nakaisip ng kakaibang paraan ang magtiyuhin na taga-Ivana, Batanes na sina John Patrick Hubalde at Von Jester Asantor.
Imbes kasi na basta na lang ipamahagi ng dalawa ang tulong na ipinamimigay ay may iba pa silang pakulo para mapasaya ang mga binibigyan nila kahit papano.
Para maging kakaiba at nakakaaliw, pina-raffle ng mag-tiyo ang mga libreng baboy na ipinamahagi sa kanilang mga kababayan.
Base sa Facebook post ni Hubalde, pinabunot nila ng number ang kanilang bibigyan ng tulong at saka malalaman kung anong parte at ilang kilo ng baboy ang kanilang makukuha.
Kwento naman ni Asantor, ang karne ay mula sa alaga nilang baboy na naisipan nilang ipamahagi sa mga nangangailangan ngayong may enhanced community quarantine.
"May pata, may kasim, porkchop. Kahit isang araw siguro eh at least nakatulong ako ulam lang,” saad ni Asantor, na nagta-trabaho rin sa Department of Agriculture.
Wala pa mang kumpirmadong kaso ng C0VID-19 sa syudad ay sakop pa rin ito ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa kalakhang Luzon. Kaya naman kasalukuyan ding nakahinto ang non-essential na negosyo sa nasabing lugar.
Love this article? Sharing is caring!

Dalawang lalaki, nagpa-raffle ng karneng baboy para makatulong sa gitna ng krisis
Reviewed by The News Feeder
on
16 April
Rating:
No comments:
Share your thoughts here...