Puno man ng kalungkutan ang mundo dahil sa kinakaharap na krisis ng lahat, marami pa din ang nagbibigay ng tuwa at pag-asa sa kapwa sa kabila ng kasalukuyang unos.

Tulad na lamang ng isang babae na nagpa-deliver ng pagkain.

Sa video, mapapanuod ang customer na kinukumusta ang lalaking nag-deliver ng kanyang order.

Malumanay na tanong ng babae, "Kuya, kumusta po? Healthy naman po kayo?"

"Yes ma'am, walang sakit." mabilis na sagot ng delivery boy.

"Ah, glory to God po." sagot ng customer sabay tanong kung magkano ang kanyang bill.

Matapos sabihin ng lalaki kung magkano ang dapat bayaran, inabot ng babae ang kanyang pambayad at sinabing ang sobra doon ay tip na para sa kanya.

Kung titignang maigi, tila tatlo hanggang limang daan ang ibinigay ng mabait na babae.

Matapos iyon, sinabi ng customer sa lalaking nag-deliver na sa apat na in-order nya, tatlo lamang ang kukunin nya.

Paliwanag ng good samaritan, sinadya nyang pasobrahan ng isa ang naturang order para ibigay ito sa kung sinumang magde-deliver.

Bago umalis ang lalaki ay tinanong ng customer kung maari nyang dasalan ang delivery boy kung saan agad naman itong pumayag.

Labis-labis ang pasasalamat ng lalaki sa napakabait na nagpadeliver ng pagkain.

Panuorin dito:



Love this article? Sharing is caring!

Customer, dinasalan at binigyan ng tip at pagkain ang driver na nagdeliver ng kanyang order Customer, dinasalan at binigyan ng tip at pagkain ang driver na nagdeliver ng kanyang order Reviewed by The News Feeder on 9:15 PM Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.