"Akala ko ay lumalawak na ang ating awareness sa usapin tungkol sa Mental Health, pero malayo-layo pa pala ang kailangang tahakin."

Yan ang malungkot na mensahe ng isang self-confessed na lalaking may mental illness, ayon sa kanyang Facebook post.


Nagbahagi ng saloobin sa social media si Red Certeza kasunod ng pagkawala ng isang dating militar sa isang insidente na naganap kamakailan lamang.

Base kasi sa pamilya ng yumaong si Winston Ragos, may war shock ang lalaki, dahilan para sya maging mentally unstable.

Sa isang post ni Red, inihayag nya ang kanyang naramdaman matapos mabasa ang ilan sa mga komento ng netizens tungkol sa naging kondisyon ng dating sundalo.

Isa kasi sa mga reaksyon ng netizen ay ang pagkwestyon sa paglabas ng bahay ni Ragos lalo na sa gitna ng enhanced community quarantine.

Ani Red, sa kabila ng kanyang kalagayan ay lumalaabas pa din sya ng bahay hindi dahil gusto nya kundi dahil kailangan nya.

"I have mental illness too and I have a quarantine pass. Lumalabas ako because I need to. I go out to buy some necessities like food and our meds because I live with two senior citizens and they are both immunocompromised." saad ni Red.

Dagdag pa nya, hindi porket mentally ill ang isang tao ay dapat na itong mamalagi lang sa loob ng bahay.

"Being mentally ill doesn't mean na dapat nakakulong lang ang isang tao sa bahay."

Narito ang buong mensahe:

Nakakadurog ng puso magbasa ng mga ganitong comments dahil akala ko ay lumalawak na ang ating awareness sa usapin tungkol sa Mental Health, pero malayo-layo pa pala ang kailangang tahakin.

I have mental illness too and I have a quarantine pass.

Lumalabas ako because I need to. I go out to buy some necessities like food and our meds because I live with two senior citizens and they are both immunocompromised.

Being mentally ill doesn't mean na dapat nakakulong lang ang isang tao sa bahay. There are different kinds of mental illnesses and ang sabi nila may PTSD (Posttraumatic stress disorder) si Sir Winston Ragos caused by a trauma specifically the warfare in Marawi during his deployment.

You can still do a lot of things like what normal people do even if you have PTSD. With proper treatment and compliance with medication the symptoms might be alleviated. However, mental illness is a real bitch, you'll never know when it will attack you and it doesn't discriminate.

We might never know what really happened before the shooting incident, but I hope na yung stigma sa mga taong may mental illness na sila ay hostile o dapat nakakulong lang sa bahay o mental hospital ay maalis sa ating mga isip at mas maging malawak pa ang ating kaalaman sa usapin ng mental health.

Pangako, I'll keep going;



Love this article? Sharing is caring!

Binata, may mensahe sa netizens na nag-didiskrimina sa mga taong may mental illness Binata, may mensahe sa netizens na nag-didiskrimina sa mga taong may mental illness Reviewed by The News Feeder on 24 April Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.