Habang marami ang salat sa pagkain sa gitna ng ipinapatupad na lockdown, isang pamilya sa Alfonso, Cavite ang nakaisip ng kakaibang paraan para makatulong sa kanilang mga kababayan.

Sa Facebook post ng netizen na si Alyanna Marie Nuestro, makikita ang mga larawan kung saan may mga lamesa sa labas ng kanilang bahay na naglalaman ng sari-saring pagkain.


Ayon sa ulat, ang isang lamesa ay lalagyan ng mga idino-donate na pagkain o sangkap ng pagkain para mailuto at mapagsaluhan ng lahat. Samantalang ang isang mesa ay naglalaman ng mga lutong pagkain para sa lahat na bunga ng mga donasyon.

Tinawag nilang 'The Sharing Table', nagsimula ang pagkakawanggawa na nasabing pamilya noong April 18.

Dulot ng nag-uumapaw na mga donasyon matapos ma-inspire ang marami sa bayanihan na pinangunahan ng isang pamilya, dumarami ang mga pagkain na pinagsasaluhan ng mga taga-Alfonso.

Arroz valenciana, sopas, at lumpiang shanghai ang ilan lamang sa mga nasa hapag na maaaring kunin ng kanilang mga kababayan, magpakita lamang ng quarantine pass.

Alas-8:00 ng umaga nagsisimula ang libreng pakain para sa almusal.

Para i-observe ang pag-iingat at para walang mahawa ng sakit kung sakaling mayroon man, ginagawa nila ang social distancing gayun din ang pagsusuot ng face mask.

Tignan ang mga larawan:

 












Love this article? Sharing is caring!

Mga taga-Alfonso, Cavite pinagsasaluhan ang mga donasyong pagkain sa 'sharing table' Mga taga-Alfonso, Cavite pinagsasaluhan ang mga donasyong pagkain sa 'sharing table' Reviewed by The News Feeder on 20 April Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.