Naglabas ng P27.1 billion na pondo ang Pangulong Duterte para masugpo ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa Pilipinas.
Inanunsyo ng economic team ng Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes, March 16, ang paglalabas ng P27.1-billion package ng gobyerno para tulungan ang frontliners na labanan ang pagkalat ng coronavirus sa bansa.
Layunin rin ng bilyun-bilyong pondo na magbigay ng economic relief sa mga sektor na nangangailangan.
Sa pamamagitan nito, inaasahang matutugunan ng sapat ang lahat ng pangangailangan ng health workers kontra COVID-19.
Narito ang breakdown:
P3.1 billion - Pondo mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation, Philippine Charity Sweepstakes Office, and Asian Development Bank na gagamitin para itigil ang pagkalat ng coronavirus. Kabilang dito ang pag-procure ng test kits.
P2 billion - Manggagaling sa DOLE o Department of Labor and Employment, gagamitin bilang wage subsidy o financial support para sa mga affected establishments at workers.
P1.2 billion - Mula sa SSS o Social Security System, nakalaan para sa unemployment benefits ng mga dislocated workers.
P3 billion - Scholarship programs mula sa Technical Education and Skills Development Authority para suportahan ang mga temporarily displaced workers.
P14 billion - Pondo para sa various programs at projects ng Department of Tourism para sa tourism industry, magmumula sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority o TIEZA,
P2.8 billion - Ilalaan para sa Survival and Recovery Aid Program of the Department of Agriculture-Agricultural Credit Policy Council (ACPC).
"This initiative includes a one-year moratorium without interest on payments of outstanding loan obligations of small farmers and fisherfolk borrowers under the ACPC Credit Program amounting to P2.03 billion."
P1 billion - Nakalaan para sa Pondo sa Pagbabago at Pag-Asenso o ang P3 microfinancing special loan package ng Small Business Corporation by the Department of Trade and Industry.
Love this article? Sharing is caring!

Pres. Duterte, naglabas ng P27.1 billion para labanan ang coronavirus
Reviewed by The News Feeder
on
17 March
Rating:

No comments:
Share your thoughts here...