Sa bayan ng San Leonardo, Nueva Ecija, isang nagmamalasakit na programmer ang umani ng papuri kasunod ng kanyang naimbentong bagay na makabuluhan at kapaki-pakinabang.
Gamit ang kanyang talino bilang isang programmer, gumawa si Jermaine Geronimo, 34 anyos na freelance programmer, ng improvised sanitizing machine sa layuning makatulong sa kanilang komunidad.
Ayon kay Jermaine, naisip nyang gawin ang sterilization machine para mas mapabilis ang pag-sterilize ng mga residenteng dumadaan sa checkpoint ng Barangay Diversion.
Nabuo nila ang naturang machine sa pamamagitan ng pagkakabit-kabit nila ng lumang spray gun, water pump ng aquarium, at galon ng tubig.
Katuwang ng nasabing programmer ang ilan nitong mga kaibigan sa pagbuo ng nasabing makina.
Kwento ni Jermaine, ang kanilang lokal na pamahalaan naman ang magsu-supply ng disinfectant.
Dagdag pa nya, ibabahagi niya ang machine sa ibang barangay kung saan maaari rin itong gayahin ng iba.
Maituturing na malaking ambag ang imbensyon na ito sa usapin ng laban kontra C0VID-19.
Bumuo ang 34-anyos na programmer na si Jermaine Germino ng improvised sanitizing machine para sa kanilang barangay sa Diversion, San Leonardo, Nueva Ecija. Sa tulong ng ilang kaibigan, pinagkabit-kabit nila ang lumang aquarium pump, spray gun, at mga kable. @DZMMTeleRadyo pic.twitter.com/9CSYNraMJm— Zhander Cayabyab (@zhandercayabyab) March 23, 2020
Love this article? Sharing is caring!

Pinoy, nag-imbento ng improvised sanitizing machine
Reviewed by The News Feeder
on
23 March
Rating:
No comments:
Share your thoughts here...