Agarang gumawa ng emergency quarantine facility ang ilang Filipino architects sa layong makatulong sa mga ospital para ma-accommodate nito ang lumolobong bilang ng C0VID-19 patients.

Dahil sa lumalaking bilang ng mga tinamaan ng nakamamatay na sakit, hindi na kinakaya ng ibang mga ospital sa kalakhang Maynila ang pagtanggap ng mga pasyenteng may C0VID-19.


Bunsod nito, madaming pasilidad pa ang mga kakailanganin.

Ito ang isinaalang-alang ng mga nagmamalasakit na pinoy architects at nag-udyok sa kanilang tumulong sa krisis na kinakaharap ngayon ng bansa.

Sa pangunguna ni Architect William Ti kasama ang kanyang mga kaibigan sa kaparehong propesyon, nagdisenyo sila ng affordable at easy to build facility na tutugon sa mga persons under investigation (PUIs).

"This is mainly to augment the capacities of the hospitals, as they become unable to accept more patients," paliwanag ni Ti, ang principal architect ng WTA Architecture and Design Studio.

"It prevents people who are under quarantine from being forced to go home and infect their families and friends." dagdag pa nya.

Ang disenyong ginawa nila na free of charge, ay gawa sa horizontal structure na may wooden frame na nakabalot sa protective plastic skin.

May kakayahan ang naturang disenyo na mag-accommodate ng 15 beds, isang testing box, sanitation at disinfection areas, at nurse’s lounge.

Ilan sa mga pasilidad na ito ay kasulukuyan ng ginagawa sa Manila Navy Hospital and Army General Hospital.

"Almost all the cost is shouldered by the construction industry," saad ni Ti.

Ang kanya mismong opisina ay sponsor ng manpower habang ang mga kumpanya gaya ng Matimco, Consolidated Wood, Uratex, Kuysen, ay ang mga nag-sponsor ng mga material na kailangan.

Ang construction ayon sa architech ay kaya umanong mabuo sa napakabilis na panahon na may easily available materials na nagkakahalaga lamang ng P300,000 para sa bawat pasilidad.

"We’ve made the designs open source and put them up online, so everyone can have access to them," ayon kay Ti.

"It is our fervent hope that more groups would take up the designs and do with them as they please so we can build more facilities faster." pagpapatuloy nya.

Angel Locsin, napagsabihan ni Chito Miranda dahil sa kanyang Instagram post


Love this article? Sharing is caring!

Pinoy architects, nagdisenyo ng easy-to-build quarantine facility para sa C0VID-19 patients Pinoy architects, nagdisenyo ng easy-to-build quarantine facility para sa C0VID-19 patients Reviewed by The News Feeder on 27 March Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.