Tila nasaktan o sumama ang loob ng isang doktor kasunod ng pag-aanunsyo ng pamahalaan ng mga compensation na ibibigay nito sa C0VID-19 fighters, partikular na sa mga health workers.
Kamakailan lamang ay ibinahagi ng gobyerno sa publiko ang mga tulong na ibibigay nila sa mga health workers bilang suporta sa mga ito.
Ayon sa ulat, ang nakahandang assistance para sa mga dakilang health workers ay P500.00 kada araw, P100,000.00 kung tatamaan ng naturang sakit, at P1,000,000.00 kung sakaling mamatay.
Bunsod nito, ibinahagi ng isang doktor ang kanyang mga saloobin patungkol sa nasabing mga benepisyo.
Sa Facebook post ni Dr. John Nico Ronquillo, ipinahayag nyang masakit para sa kanya ang malaman na may 'price tag' ang serbisyong buong-pusong binibigay ng mga doctor at nurse katulad nya.
Dagdag pa nya, “Kaysa bigyan ka ng bala para sa labang haharapin mo, Sila pa mismo yung naghuhukay ng paglalagyan sa iyo.”
Hindi rin pinalagpas ni Dr. Ronquillo ang mga komento ng ilan gaya ng “Ginusto ninyo yan, Pinili ninyo yan pwes pagdusahan ninyo” kung saan sinabi nyang imbes na mga masasamang kataga ang marinig nila sa mga tao, ay sana mensahe na lamang ng pagsuporta at pakonswelo.
READ: Doktora, ibinulalas ang galit sa ginawa ni Koko
Narito ang buong pahayag ng doktor:
Ang sakit malagyan ng Price Tag ng serbisyo bilang Doktor at Nars.
500 kada araw
100,000 libo kung mahahawa ka
At isang milyon kung ikamamatay mo.
Kaysa bigyan ka ng bala para sa labang haharapin mo, Sila pa mismo yung naghuhukay ng paglalagyan sa iyo.
Tapos sasabihin ninyo, “Ginusto ninyo yan, Pinili ninyo yan pwes pagdusahan ninyo”.
Bakit Hindi na lang magpaabot ng mga mensahe ng suporta at konswelo? Oo pinili naming maglingkod, pero hindi namin piniling magpakamatay.
We don’t glorify our profession. We are simply asking for what we deserve.
Hindi maaalis ng tamang pagpapasahod ang aming takot lalo na at nauubusan na rin kami ng mga pansariling proteksyon at marami na rin sa amin ang nagkakasakit at namamatay ngunit matutulungan nito ang aming mga pamilya. Mga pamilya na naghihintay sa aming pag-uwi habang naglilingkod kami para sa bayan at habang ang isang paa naman ay nasa hukay. ðŸ˜
READ: Doktora, ibinulalas ang galit sa ginawa ni Koko
Love this article? Sharing is caring!

'P500 a day': Doktor, nasaktan sa financial assistance ng gobyerno para sa health workers
Reviewed by The News Feeder
on
29 March
Rating:
No comments:
Share your thoughts here...