Dahil sa mas pinaigting na lockdown sa iba't-ibang panig ng mundo para mapigilan ang mabilis na pagkalat ng C0VID-19, kanya-kanyang paraan na ang mga otoridad para hindi magpakalat-kalat sa kalsada ang mga tao.
Sa video na kumakalat ngayon sa social media, nakunan ang tahasang pagdidisiplina ng tila mga traffic enforcer sa India ayon sa video uploader.
Gamit ang kahoy, mapapanuod sa 30-second long clip ang mga lalaking naka uniporme na hinahataw ang mga tao na nagkalat sa daan, may sasakyan man o wala.
Pinaboran naman ito ng ilang pinoy na netizen at hiniling na sana ay kaparehong aksyon ang ginagawa ng mga otoridad sa bansa para sa mas epektibong pagpapasunod sa publiko na manatiling nasa bahay lamang sa kasagsagan ng lockdown.
Narito ang samu't-saring komento ng ilang netizen:
Panuorin dito:
Gayunpaman, wala pang verified information kung ang nasabing video ay talaga nga bang sa India at kung ito nga ba ay ipinapatupad sa kasalukuyan dulot ng lockdown dahil sa C0VID-19.
Love this article? Sharing is caring!

Netizens, pabor sa pamamalo ng otoridad sa mga pakalat-kalat sa kalsada sa gitna ng lockdown
Reviewed by The News Feeder
on
26 March
Rating:
No comments:
Share your thoughts here...