Agaw-pansin sa social media ang nakakatawang asaran ng dalawang gobernador kaugnay ng community quarantine na ipinapatupad ngayon sa buong bansa.

Kinagiliwan ng netizens ang open letter sa Facebook ni Cavite Gov. Jonvic Remulla para kay Laguna Gov. Ramil Hernandez.


Sa bukas na liham galing kay Remulla, ipinaalam ng opisyal kay Hernandez ang naging epekto ng naging desisyon ng Laguna Governor sa mga nasasakupan ni Remulla.

Maaalalang nagdeklara ng total lockdown si Hernandez sa kanyang probinsya kamakailan lamang kung kaya hindi makadaan ang mga taga-Cavite ngayon sa nasabing lalawigan.

READ Harry Roque, may mensahe sa mallgoers gamit ang classroom quote ni Kim Chiu

READ Babaeng hindi lumabas ng bahay para hindi tamaan ng sakit, nagpositibo sa C0VID-19

Mismong si Remulla ay hindi raw pinalusot sa checkpoint papuntang Nuvali.

Pabirong banta ng naharang na gobernador kay Hernandez, "Huwag ko na marinig na tatawid ka ng SLEX papunta Maynila. Magtatayo ako ng checkpoint sa Carmona para di ka makatwid. Umikot ka Ng Rizal ngayon para maramdaman mo Ang nararamdaman ng mga kababyan ko."

Tugon naman ng gobernador ng Laguna kay Remulla, "Kapag may ulan o bagyo lagi mo akong inuunahan magdeklara ng walang pasok. kaya lagi akong naba-bash ng mga masisipag pumasok dine sa amin kahit mahina naman ang ulan dito sa Laguna."

"Ngayon, wag mo naman sanang masamain na ako naman ang nauna na nagdeklara ng Total Lockdown." dagdag pa ni Gov. Hernandez.

READ Babaeng hindi lumabas ng bahay para hindi tamaan ng sakit, nagpositibo sa C0VID-19

READ Harry Roque, may mensahe sa mallgoers gamit ang classroom quote ni Kim Chiu

Narito ang kanilang palitan ng open letter sa Facebook:

Dear Gob Ramil,

Ganyanan na ha. Dehins ako pinalusot Ng checkpoint mula Bgy. Inchikan, Silang, Papunta Nuvali. “Bawal daw” sabi ng hepe mo. Bali wala werpa ko sa checkpoint mo. Tandaan mo na likas ang yabang at tapang naming mga kabitenyo. Ang mga taga laguna mga maka-dyos. Tignan mo pangalan Ng mga bayan mo: San Pedro; Santa Cruz; Sta Rosa. Kami dito: General Trias; General Aguinaldo; General Mariano Alvarez. Nilikha kami sa digmaan.

Huwag ko na marinig na tatawid ka ng SLEX papunta Maynila. Magtatayo ako ng checkpoint sa Carmona para di ka makatwid. Umikot ka Ng Rizal ngayon para maramdaman mo Ang nararamdaman ng mga kababyan ko.

Iyong dating kaibigan,

Gob. Jonvic

P.s. joke lang po ito. Even governors observe quarantine procedures. Dapat lahat tayo.


READ Harry Roque, may mensahe sa mallgoers gamit ang classroom quote ni Kim Chiu

READ Babaeng hindi lumabas ng bahay para hindi tamaan ng sakit, nagpositibo sa C0VID-19



 Dear GOV. JONVIC,

Nabasa ko na ang iyong bukas na liham at eto ang aking kasagutan.


Kapag may ulan o bagyo lagi mo akong inuunahan magdeklara ng walang pasok. kaya lagi akong naba-bash ng mga masisipag pumasok dine sa amin kahit mahina naman ang ulan dito sa Laguna.


Ngayon, wag mo naman sanang masamain na ako naman ang nauna na nagdeklara ng Total Lockdown.


Panalangin naming mga taga Laguna ang kaligtasan nating lahat. At pahiram naman ng mga mandirigma mo dyan para sa matitigas ang ulo dine sa amin.


Kung papogian naman ang usapan mas matangkad ka laang sa akin pero tao na magsabi kung kaninong gobernador ang mas pogi.😍


Ang iyong kapit lalawigan,


GOV. RAMIL


P.S.


Joke lang din ito. Maraming salamat sa iyong pang-unawa.


Kaya kayong mga Kapitan at mga mayor huwag kayong mag-aaway kapag may nag-lockdown na barangay, bayan o syudad. Mag-unawaan tayo.





Dear Gob Ramil,

Kinagagalak ko naman na binasa mo Ang aking bukas na liham. Kasama sa trabaho natin bilang punong lalawigan ay makinig, maki-isa, at hindi makipagaway.


Pagpasensyahan mo na pag nauuna ako sa #walang pasok. Ang mga kalalawigan ko ay hinde immortal katulad nang mga taga Laguna. Di kami nakain ng bibe, puro tahong at talaba lang ang madami dito, kaya madalas lubog ang baybay dagat namin. Ang sariling anak ko nga ay nag aaral sa Calamba. Ikaw ang inaabanagan at hinde ako.


Sa patigasan ng ulo ay kulang na ang mandirigma namin dito. Kailangan namin ng panalangin ng mga santo ninyo.


Huwag na natin gawing paligsahan ang pagandahan Lalaki. Baka mag rambulan Ang mga “Beki” natin. Tingin ko, lamang ang mga ka-federasyon namin dito. Batak sa trabaho at maraming ka alyado.


Panalangin ko na matapos na ang beerus na ito. Naboboryo na ang mga kababayan ko.


Gumagalang,


Gov. Jonvic




READ Doktora, ibinulalas ang galit sa ginawa ni Koko


Love this article? Sharing is caring!

Nang dahil sa lockdown! Governor ng Laguna at Cavite, nag-asaran sa Facebook Nang dahil sa lockdown! Governor ng Laguna at Cavite, nag-asaran sa Facebook Reviewed by The News Feeder on 10:14 PM Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.