Labis na pinagsisisihan ng Kapamilya actress na si Angel Locsin ang ginawa nyang pag-eendorso kay Sen. Koko Pimentel noong 2007.

Sa pamamagitan ng isang comment sa Twitter, inihayag ni Angel Locsin ang kanyang pagsisisi sa pag-eendorso sa politician na si Koko Pimentel noong 2007 elections.


Ang nasabing comment ay naihayag ng Darna actress kasunod ng lumutang nyang lumang larawan kung saan makikitang ine-endorso nya ang naturang senador.

'Eww' ang inisyal na reaksyon ni Locsin ng makita ang old photo.

Kasunod ng kanyang komento ay ang isang mapangahas na tanong ng isang netizen kung pinagsisisihan ba ng aktres ang ginawa nyang pag-iendorso kay Pimentel noon.

Sinagot naman ito ng diretso ni Locsin at ipinaliwanag ang dahilan sa likod ng ngayon ay pinagsisisihan ng endorsement.

"Yes. Super. Mortal sin. Patawarin nyo po ako bilang ex husband po sya ng pinsan ko," saad ng aktres.


Love this article? Sharing is caring!

'Mortal sin. Patawarin nyo po ako': Angel Locsin, pinagsisihan ang pag-endorso kay Koko 'Mortal sin. Patawarin nyo po ako': Angel Locsin, pinagsisihan ang pag-endorso kay Koko Reviewed by The News Feeder on 9:33 PM Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.