Nakunan sa video ang isang lalaki na nakikipagtalo sa mga nagbibigay ng tulong.

Nagpupuyos sa galit ang naturang lalaki matapos makatanggap ng relief goods mula sa mga otoridad sa kanilang barangay.

Sa video, maririnig ang matanda na nagrereklamo dahil sa layo umano ng nilakad nya para lang makahingi ng tulong.


Ayon sa nagrereklamo, apat umano ang pamilya na nasa bahay nila.

Nang sabihin ng frontliner na bigyan ang tatay ng dalawa pang relief packs, "Hindi na! Sa inyo na!" ang sigaw ng nayayamot na matanda.

"Pinahabol nyo ako, ang layo ng nilakad ko itong tanda kong ito!" bulalas ng lalaki.

"Ang laki po ng bahay nyo!" sabat naman ng babaeng nag-aabot ng tulong.

"Ayus-ayusin nyo yung trabaho nyo!" alma ng matanda.

"Pwede po kayong makiusap sa amin pero wag nyo po kaming gaganyanin," tugon ng isa sa mga nag-abot ng relief packs.

Giit ng matanda, "Hindi ko kailangan makiusap sa inyo! Obligasyon yan!"

Panuorin dito:






Love this article? Sharing is caring!

Matandang lalaki, tinapon ang binigay sa kanyang relief goods dahil kulang raw ito Matandang lalaki, tinapon ang binigay sa kanyang relief goods dahil kulang raw ito Reviewed by The News Feeder on 7:12 PM Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.