Hindi napigilang umiyak ng isang lola matapos malamang tanging ang mga may stub lamang ang makatatanggap ng relief goods sa kanilang barangay.

Nakunan sa video ang pagbuhos ng luha ng isang lola habang namimigay ng relief goods ang mga otoridad sa kanilang barangay. 


Ayon sa netizen na nag-upload ng madamdaming video sa Facebook, hindi inabutan ng tulong ang matanda. Subalit kinalaunan ay binigyan din ito. 

Pinatunayan kasi ng kanyang mga kapitbahay na walang makakain ang kanilang pamilya dahil sa kawalan ng hanapbuhay. 

Dahil sa ginawa ng mga kapitbahay ni lola ay napilitan ang barangay na abutan na rin sya ng relief packs sa kabila ng hindi pagkakaroon ng stub. 

Narito ang paliwanag ng video uploader:

Tumulo ang luha ng babaeng ito matapos malamang ang may mga stub lamang ang mabibigyan ng relief goods at sa tulong ng mga kapitbahay na nagpatunay na walang naghahanapbuhay sa pamilya napilitan syang bigyan ng relief goods, hindi lamang siya ang nakaranas ng ganito patunay na hindi masinop ang sistema ng pagbibigay ng ayuda sa Sapang Palay SJDM Bulacan

Panuorin ang video dito
Source: Antonio Donato


Love this article? Sharing is caring!

Lola, bumuhos ang luha matapos hindi makatanggap ng relief goods Lola, bumuhos ang luha matapos hindi makatanggap ng relief goods Reviewed by The News Feeder on 9:54 PM Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.