Kaawa-awa ang sinapit ng isang lalaki kasunod ng kanyang ginawa na tila isang sakripisyo para sa kapakanan ng kanyang mga mahal sa buhay.

Ayon sa ulat mula sa Daily Tribune, isang lalaki ang kumitil sa sarili matapos umano itong makaramdam ng mga sintomas na tumutugma sa nararamdaman ng isang pasyenteng may C0VID-19.


Ang 56-anyos na lalaki na taga Quezon City ay kinitil ang sariling buhay noong Martes.

Nag-iwan ng bilin ang lalaki sa pamamagitan ng suicide note.

Doon, sinabihan nya ang isang “Marilyn” na ipa-check up ang taong nagngangalang “Lisa” na sinasabi nyang nakaramdam din umano ng kaparehong sintomas.

Inihayag din nya ang pagmamahal sa nasabing “Lisa” sa pamamagitan ng isang “I love you” sa note na iniwan bago nya sabihin na gamitin nila ang P30 na natira sa kanyang wallet para sa kanilang mga kakailanganin.

Ibinilin din umano ng lalaki sa kanyang pamilya na idaos ang kanyang burol sa barangay hall o di kaya ay ilibing na ng diretso ang kanyang mga labi sa sementeryo,.

Sinulat ng lalaki ang pamamaalam pagkatapos nitong magsabi sa kanyang mga mahal sa buhay na hindi na nya kaya pang tiisin ang sakit na dala ng naturang karamdaman.


Love this article? Sharing is caring!

Lalaking pinagsuspetsahan ang sarili na may C0VID-19, kinitil ang sarili Lalaking pinagsuspetsahan ang sarili na may C0VID-19, kinitil ang sarili Reviewed by The News Feeder on 10:29 PM Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.