Isang lalaki sa Occidental Mindoro ang kumitil ng kanyang sarili kasunod ng kanyang pagsususpetsang tinamaan sya ng C0VID-19.
Ito ang masamang balita na ibinahagi ng San Jose, Occidental Mindoro Vice Mayor na si Rod Agas.
Ayon sa Facebook post ng opisyal, pinaghihinalaang naglason ang isang lalaki na nawawala pa simula noong March 17.
Linggo, Marso 29, nang matagpuan ang naaagnas nang katawan ni Marlon Dela Cruz, gasoline boy, bandang alas kwatro ng hapon sa rice field ng Brgy. Mapaya sa San Jose.
May suicide note umanong iniwan ang lalaki kung saan mababasa ang pagdududa nito sa sarili na sya ay nahawa ng nasabing sakit.
Pagdedetalye ni Agas, may dengue ang nasawi ngunit inakala nitong ang sintomas na naramdaman nya ay dulot ng C0VID-19.
Apela ni Agas sa kanyang mga kababayan, "Huwag po sana tayo madown sakaling maysakit tayo , malulunasan po at may mga doctor tayo na titingin sa atin."
READ: Bago pa makahawa: Nurse na C0VID-19 positive, nagpatiwakal
READ: Doktora, ibinulalas ang galit sa ginawa ni Koko
RELEVANT: Lalaking pinagsuspetsahan ang sarili na may C0VID-19, kinitil ang sarili
Love this article? Sharing is caring!

Lalaki, naglason matapos pagsuspetsahan ang sarili na may C0VID-19
Reviewed by The News Feeder
on
30 March
Rating:
No comments:
Share your thoughts here...