Kahanga-hanga ang klase ng liderato na ipinapakita ng Gapan City Mayor sa kanyang mga nasasakupan sa gitna ng krisis na dulot ng C0VID-19.

Napabilib ang marami sa masigasig na pamumuno ng Gapan City Mayor na si Emerson 'Emeng' Pascual matapos kumalat sa social media ang video kung saan makikita ang opisyal na nagbabahay-bahay upang maipamigay ang mga tulong na kailangan ng lahat.


Personal na iniabot ng Mayor ang tulong sa kanyang mga kababayan para matutukan ang patas na pamamahagi ng mga ito at masiguradong mabibigyan ang lahat ng nangangailangan.

Isang sakong bigas kada pamilya ang matyagang ipinamigay ng alkalde sa kanyang mga nasasakupan kasunod ng pagdedeklara ng lockdown sa naturang syudad.

Bukod pa dito ay namigay rin si Pascual ng tag-iisang manok sa bawat bahay nang sya ay muling nagbahay-bahay.

Sa panayam sa kanya ni Sec. Martin Andanar, ibinunyag ng Gapan Mayorna parte ng pera na ginamit nya para sa tulong na ipinamamahagi ngayon sa lungsod ay galing mismo sa kanyang sariling bulsa.

Ayon kay Mayor Emeng, ang P6M mula sa kanya ay ang pinagsamang sahod nya mula nang sya ay mahalal sa syudad noong 2016 (P4.5M) at ang kanyang sariling pera na idinagdag para mabuo ito (P1.5M).

READ Doktora, ibinulalas ang galit sa ginawa ni Koko

"Pagkatapos naming malagyan ng bigas ang bawat pintuan, ulam ang kasunod niyan. Dire-diretso ang bigay namin ng ulam sa mga tao dito sa lungsod ng Gapan," saad nya.

"Pati yung mga farmers dito, mga magtatanim ng gulay, ang sabi ko sa kanila, sa Huwebes, kapag natapos na bigyan ng bigas ang lahat ng bahay sa Gapan, lahat ng tanim dito na gulay, vegetable, bibilhin ko, papakyawin ko at ipamimigay ko sa mga tao dito sa lungsod ng Gapan," dagdag pa ng Mayor.

Namigay na rin umano ng mga delata ang butihing alkalde.

Panuorin ang mga video:






READ Doktora, ibinulalas ang galit sa ginawa ni Koko


Love this article? Sharing is caring!

Gamit ang P6M mula sa sariling sahod, Mayor namigay ng sako-sakong bigas, manok Gamit ang P6M mula sa sariling sahod, Mayor namigay ng sako-sakong bigas, manok Reviewed by The News Feeder on 31 March Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.