Galit at pag-aalala ang bumalot sa dating asawa ni Sen. Koko Pimentel kasunod ng balitang C0VID-19 positive ang senador.

Sa panayam ng ABS-CBN kay Jewel Lobaton, ex-wife ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III, hindi napigilan ng babae na umiyak habang ibinabahagi nito ang kanyang pag-aalala sa kanyang dalawang anak na nasa poder ng nasabing senador.


Nagsalita ang dating misis ni Pimentel isang araw matapos pumutok ang balitang C0VID-19 positive ang senador.

READ: Pangungurakot sa pondo para sa C0VID-19 assistance, nakunan sa video

Pahayag ng dating beauty queen, “In my prayers, umiiyak ako. I trust the Lord that He will guide my path, my walk, today. Pero today, I want to make sure my children are tested. Just that muna. Ang next step would be judicial issue,”

Dadgag pa ni Lobaton, labis ang kanyang pag-aalala matapos malaman na wala sa mag-asawang Pimentel ang nakapagbantay sa dalawang anak nya sa kritikal na panahon tulad nito.

“We have minors who are left behind by two parents that were taking care of them during the time that these parents were under exposure or at least 'yung isa positive,” pahayag pa nya.

Nakwento rin ng dating asawa na huling beses nyang nakausap ang kanyang nakababatang anak noong March 13.

"I had an access to chat with [my younger son] and we said I love you to each other. He knew that I was sick also at that time, not COVID. He said, ‘Please take care, mama,’” ani Lobaton.

Banggit pa ng nanay, huli nyang nakita ang mga bata sa personal noon pang taong 2017.

“It is a suffering that only a mother can understand na kailangan ko tumahimik at hindi ko kailangan bulabugin ang set up because mahal ko ang mga anak ko,” saad nya.

Pag-amin ng ina, sari-saring emosyon ang naramdaman nya.

“There are no words to describe the difficulty. Noong alam kong wala silang sakit [nag-aalala na ako], how much more now na exposed sila? [I feel] helplessness, worry, anxiety, sometimes rage and anger. Kaya I asked forgiveness from God,” paliwanag ng nagugulimahanang ina.

READ: Pangungurakot sa pondo para sa C0VID-19 assistance, nakunan sa video

Pagtatapos ni Lobaton, gusto nyang siguraduhin ang mga bata na naroon sya para sa kanila anuman ang mangyari.



Nagpakasal si Koko at Jewel noong 2000 at naghiwalay noong 2011.


Love this article? Sharing is caring!

Ex-wife ni Koko, labis ang pangamba sa kalusugan ng mga anak na nasa senador Ex-wife ni Koko, labis ang pangamba sa kalusugan ng mga anak na nasa senador Reviewed by The News Feeder on 8:41 PM Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.