Dahil sa pangambang mahawa ng sakit dala ng C0VID-19, hindi naiwasan ng ilan na sumobra sa pag-iingat sa puntong hindi na nila maisip ang kapakanan ng iba. Ito ang storya na ibinahagi ng isa sa mga taong lumalaban kontra C0VID—ang ating mga frontliners.

Sa Facebook post ng netizen na si Kristelle Tesoro, idinetalye nya ang mga talamak at nakakalungkot na kaganapan sa kanilang lugar kasunod ng mabilis na paglaganap ng nakakatakot na sakit.

Ayon kay Kristelle, totoo ang diskriminasyon sa 'health personnel' o health workers.

Inisa-isa nya ang mga 'nakakaiyak' umano na mga naranasan ng mga taga-ospital. Ilan lamang sa mga ito ay ang pagpapalayas ng isang landlady sa kanyang tenant dahil sa PJG (hospital) daw nagta-trabaho. Ang isa naman ay ang pagtanggi na magdeliver ng pagkain sa ospital.

Paliwanag ng frontliner, nandyan sila ng kailanganin natin ang kanilang tulong ngunit ngayon na sila naman ang nangangailangan sa atin ay pinagtatabuyan natin sila.

"When u needed us. We were always there for u. But when we are the ones in need,u push us away." saad ni Kristelle.

"Come to think of it,mas alam namin ang tamang pag handle at pag linis ng mga sarili at paligid namin than most of u.." dagdag pa ng health worker.

Narito ang kanyang buong pahayag:


DISCRIMINATION FOR HOSPITAL PERSONNEL IS REAL!
As of today.. ang daming nakakaiyak na experiences ng mga taga ospital.

1. Pinalayas ng landlady dahil sa PJG daw nag wowork. (Grabe to)
2. Ayaw deliveran ng food dito sa ospital at hindi daw sila nagdadala sa pjg (pero apura padala kunwari dito with lines na "thank u frontliners")..hindi ito mcdo sanciangcošŸ™„
3. Ayaw isakay ng ticycle dahil taga pjg.
4. Pinaparinggan ng kapitbahay na wag daw dapat tanggapin dahil taga ospital na may covid.

When u needed us. We were always there for u. But when we are the ones in need,u push us away.

Come to think of it,mas alam namin ang tamang pag handle at pag linis ng mga sarili at paligid namin than most of u..

Remember we might have the highest risk for exposure..but we know how to prevent its transmission. Kung maingat kayo,mas maingat po kami.. please treat us fairly.❤ pag kami napagod at naubos mas mahirap. We are not asking for special treatment..we just want the fair one.

Angel Locsin, napagsabihan ni Chito Miranda dahil sa kanyang Instagram post





Love this article? Sharing is caring!

Diskriminasyon sa frontliners, ibinahagi ng isang health worker Diskriminasyon sa frontliners, ibinahagi ng isang health worker Reviewed by The News Feeder on 8:42 PM Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.