Hindi na nakapagtimpi ang isang lalaking ito matapos magkalat sa social media ang kabi-kabilang opinyon ng mga netizen na hindi sumasang-ayon sa pagkakaroon ng militar sa mga kalsada, bagay na ipinatupad ng gobyerno upang tulungang labanan ang pagkalat ng coronavirus disease o COVID-19.
Sa gitna ng batikos ng ilang netizen tungkol sa mas pinalakas na presensya ng mga sundalo, hindi nagdalawang isip ang binata na si Francis Ezekiel Airan Villa na bigyang diin ang kahalagahan ng militar sa mga pambihirang sitwasyon na gaya ng kinakaharap ngayon ng bansa.
Ayon sa binata na si Francis Ezekiel Airan Villa, nalaman nya ang importansya nito noong high school pa lamang sya kung saan sumali sya sa SBCMT o Special Basic Citizen's Military Training ng Army Reserve Command.
Paliwanag ni Francis sa kanyang Facebook post, hindi lamang sa gyera maaasahan ang mga militar.
"Hindi gera ang laging purpose ng militar, sa katunayan ang buong backbone ng militar ay mga professional, mga nurse, doctor, mathematicians, engineers, scientists, teachers, at iba pa.
Mapa reserve o active pa yan." saad ng lalaki.
"Kung wala silang ginagawa, sila'y nag aaral, kumukuha ng bagong kurso (schooling), at hinahasa ang kanilang isip. Nag dridrill, nag e exercise, nag vovolunteer sa checkpoints ng police, nag susulat ng thesis at iba pa." pagpapatuloy nya.
Dagdag pa ng nasabing netizen, kasundaluhan ang mga pumupuno sa mga bagay na may kakulangan kung saan matinding kinakailangan ang kanilang tulong.
"Sila ay parang mga civilian din tulad natin. May mga doctor, may mga nurse, may mga engineer, may mga abogado, may kabataan, may mga teacher---ngunit ang pinagkaiba lamang ay, sila ang pumupuno sa anumang pagkukulang natin. Lagi silang nariyan na kahit anong task natin na ipamigay mo, gagawin at gagawin nila." paglalahad ni Francis.
Narito ang matapang na paglalahad ng binata:
Basahin muna ng buo bago mag react.
Parang ang baba naman ng tingin ng mga pilipino sa militar. Nakaka lungkot lang naman, hindi sa pag popolitika, pero ang kasundaluhan natin ay professionals.
Nung sumali kami noon sa SBCMT sa Army Reserve (Which is na hinto nung kalagitnaan at di natuloy class namin) highschool lang kami non-- ang unang unang i e explain sa military ay hindi about gyera.
Hindi gera ang laging purpose ng militar, sa katunayan ang buong backbone ng militar ay mga professional, mga nurse, doctor, mathematicians, engineers, scientists, teachers, at iba pa.
Mapa reserve o active pa yan.
Kung wala silang ginagawa, sila'y nag aaral, kumukuha ng bagong kurso (schooling), at hinahasa ang kanilang isip.
Nag dridrill, nag e exercise, nag vovolunteer sa checkpoints ng police, nag susulat ng thesis at iba pa.
Ang unang unang ituturo sainyo ay ang manners at organization.
Kaya madaming hindi nag susundalo dahil ang una nilang naiisip pag mag susundalo ay mapapasabak sa gera at mamamatay.
Yun ang inaalis ng mga instructors sa isip ng mga tao.
Ang isa sa pinaka purpose ng pagiging sundalo ay upang mapunan ang mga pagkukulang ng manpower.
Kung may gulo sa isang liblib na lugar, sila ang mga magiging guro kasama ng mga guro. Kung may trahedya, sila ang magiging rescuers kasama din ang rescuers. Kung may pagkukulang ang pulis, sasama sila upang dagdagan ang pwersa ng pulis. Kung may hina hunting ang NBI na terrorista, sila ang ipapaharap ng NBI. Kung may bumagsak na gobyerno (tulad sa Turkey WWI), sila agad sasalo ng responsibilidad ng gobyerno na buhayin ang bansa, bago ulit ipaubaya sa sambayanan.
Sila ay parang mga civilian din tulad natin. May mga doctor, may mga nurse, may mga engineer, may mga abogado, may kabataan, may mga teacher---ngunit ang pinagkaiba lamang ay, sila ang pumupuno sa anumang pagkukulang natin. Lagi silang nariyan na kahit anong task natin na ipamigay mo, gagawin at gagawin nila.
Kung wala man silang mask doon na pumunta sa ating capital, kung may pagkukulang man ang gobyeryno, at least sinusubukan nilang tumulong at mag sacrifice.
Isipin mo paano kung ikaw pinaka useful na tao, ikaw ma u utilize kung kinakailangan, super hero ika nga, pero wala kayo kung kelan kinailangan, diba?
Kaya kahit papaano, kahit ano nang task ang magawa nila para sa situation na to, susubukan nilang may magawa sila, dahil yon ang mission nila.
Kung di nila kayang maka sama sa indoor missions ng doctors dahil sa kakulangan ng equipments, at the very least nag trabaho padin sila.
Ang kapulisan ngayon busy sa contact tracing, ang daming tao iniimbestigahan asan pumunta si ganto ganiyan, sino nahawaan neto etc, masyado na silang over extended.
Ang doctors natin at nurses laging ng nag tratrabaho, nadagdagan pa ng covid19 outbreak.
Ang mga Tanod at brgy. Police natin may mga brgy. na kanila din namang babantayan.
Sino ngayon o san ngayon kayo kukuha ng mag lo lock down?
Meron bang mag vovolunteer? Wala kundi mga sundalo.
Kung ang rally kinakailangan ng 2500+ na police sa isang buong highway and choke points lamang,
Nag rereact na tayo ng sobrang OA dun lang sa 2000 na sundalo sa Manila?
Atsaka, bakit may tanke at armas ang sundalo?
Malamang sundalo sila, di naman nila babarilin ang virus, pero bilang sundalo, nag do double task sila.
Bakit nung Marawi crisis? May mga doctor don, bakit sila may mga stethoscope sa leeg nila? Papakinggan ba nila puso ng mga terrorista sasabihin niyo?
Hindi ganon! Hindi naman mga doctor mismong lalaban sa terrorista kundi mga sundalo. Hindi niyo naman siguro naisip na sasakalin ng doctor ang mga terrorista gamit stethoscope at saka makikipag bunuhan sa mismong kalaban gamit injections diba?
Ganun din ang situation ng sundalo ngayon, hindi sila ang mismong lalaban sa virus, pero andun sila para sumuporta sa mga lumalaban. Kaya wag niyo sabihing babarilin nila ang virus!
Kelangan nila i lockdown, kelangan nila punuan ang manpower ng mga police, tanod, etc, dahil part yon ng action at suggestion ng mga doctor na professional sa ganiyan.
Love this article? Sharing is caring!

Sundalo, bumwelta sa mga kumekwestyon sa military checkpoint laban sa COVID19
Reviewed by The News Feeder
on
16 March
Rating:
No comments:
Share your thoughts here...