Nagkalat ngayon sa social media ang sangkatutak na maling impormasyon tungkol sa mga bagay na maaari umanong gawing panlaban sa sakit na dala ng C0VID-19.


Isa sa mga napabalitang pangontra sa c0ronavlrus ay ang saging. Marami ang agad na naniwala dito kung kaya naman nagpanic buying ang ilan sa pagbili ng saging.

Agad naman itong pinabulaanan ng mga eksperto at iginiit na wala pang hard science o proven case kung saan napatunayang nakakagamot ng nasabing sakit ang saging.

Samantala, lumutang din ang bawang bilang isa raw sa mga panlaban sa C0VID-19 ngunit ito rin ay wala pang ebidensya na nakapagpapagaling ng sakit na dala ng c0ronavlrus. Gayunpaman, madaming pag-aaral na rin ang nakapagsabing may antibacterial at antiviral properties ang bawang.

Ang coconut oil naman ay kasalukuyan na umanong pinag-aaralan bilang isa sa mga posibleng gamot laban dito pero hanggang ngayon ay patuloy pa ring sumasailalim sa masusing pagsusuri sa Singapore. Tulad ng bawang, ilang pag-aaral na rin ang nagsabing ito ay may antibacterial, antifungal, at antiviral agent.

May haka-haka din na ang pagmumumog ng mainit na tubig na may asin ay mabisang panlaban sa sakit na ito ngunit wala din itong sapat na basehan.

May reputasyon naman ang vitamin C sa pagpapalakas ng immune system subalit kung ito ba ay makapagpapagaling ng naturang sakit ay wala pa ring kasiguraduhan.

"High dose of vitamin C has actually been recommended for many viral illnesses. In the case of C0VID-19, it's worth a try." saad ng dating Heath Secretary Manuel Dayrit.


Love this article? Sharing is caring!

Bawang, coconut oil, vitamin C: Kontra C0VID-19 nga ba ang mga ito? Bawang, coconut oil, vitamin C: Kontra C0VID-19 nga ba ang mga ito? Reviewed by The News Feeder on 19 March Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.