Isang nurse ang kumitil ng sarili nyang buhay kasunod ng kompirmasyong positibo sya sa C0VID-19.


Matapos malamang nagpositibo sya sa C0VID-19 testing, agad na nagpatiwakal ang kaawa-awang nurse. 

34-anyos pa lamang ang nasabing health worker na sinasabing sobrang stressed sa takot na baka naikalat niya ang sakit habang sya ay naka-duty.

Naka-assign ang yumaong nurse sa ICU o intensive care unit habang naka-quarantine nang malaman nya na sa kasamaang palad ay nagpositibo siya.

Nagdalamhati ang National Federation of Nurses sa Italy dulot ng pagkaubos ng kanilang mga kasamahan dahil sa salot na sakit.

“Each of us has chosen this profession for good and, unfortunately, also for bad: we are nurses,” saad ng samahan.

Nagsilbi sa San Gerardo Hospital sa Lombardy, Italy ang dakilang nurse.

Pumalo na sa 5,760 health workers ang tinamaan sa Italy, halos walong porsyento ng kabuuang bilang ng C0VID-19 patient sa naturang bansa.


Love this article? Sharing is caring!

Bago pa makahawa: Nurse na C0VID-19 positive, nagpatiwakal Bago pa makahawa: Nurse na C0VID-19 positive, nagpatiwakal Reviewed by The News Feeder on 10:30 PM Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.