screen cap from What’Z The Buzz! with RoyBuzz


Hinangaan ang mga pump boys sa Dumaguete City dahil walang takot at alinlangan nilang  nai-save ang mga kabahayan na katapat lang ng gasolinahang kanilang pinapasukan.

Dahil sa kanilang presence of mind at katapangan sa pag responde ay agad na naagapan ang pag kalat ng apoy na posibleng tumupok sa mga kabahayan.


Ayon sa isang post ng FB page na Good News with RoyBuzz, unang rumesponde ang pump boys sa sunog dala ang mga timbang may tubig at tumakbo para apulahin ang apoy.

Sinabi ni Clint, isa sa pump boys, hindi umano kinaya ng dala nilang mga timbang may tubig ang naturang sunog kaya napag pasyahan nil ana bumalik at gamitin na lang ang fire extinguisher ng gasolinahan.

Dalawang fire extinguisher umano ang kanilang nagamit para mapahinto agad ang kumakalat nang apoy sa tapat ng Shell, kung saan sila ay nag tatrabaho.

 Dagdag naman ni Delfin, isa rin sa pump boys, hindi umano kaya ng tubig lang ang apoy dahil bumabalik din agad ito at lalong lumalaki, kaya naman naisip nila ang mas epektibong extinguisher.

Kinatuwa naman ng mga netizens ang kanilang ginawa, narito ang mga komento mula sa FB:

"YASSS! Hindi lang sila helpful, friendly at respectful pa talaga. So far, sila pa lang ang nakita kong mababait na pump boys."

"kudos ninyo Guys ! pagpalain kayo ng panginoon, sana tuluran pa kayo ng iba!"


"d best firefighting pumpboyz do it kill the fire. Good job!"

"Magaling sila dahil may presence of mind. Alam nila ang tamang gawin kung may sunog. God bless and thank you, boys!"





Love this article? Sharing is caring!

Shell pump boys hinangaan matapos rumesponde sa nasusuog na kabahayan sa tapat ng gas station Shell pump boys hinangaan matapos rumesponde sa nasusuog na kabahayan sa tapat ng gas station Reviewed by Sidney Cruz on 06 February Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.