Screen shot ng Balloons vendor na nabiktima ng mga kabataan, mula sa Facebook



Viral ngayon ang isang video kung saan makikitang sinunog ng grupo ng kabataan ang mga lobong binebenta ng isang lalaki habang ito ay natutulog.

Mapapansin sa nasabing video na tila napag tripan lamang ng mga bata ang nagtitinda habang ito ay namamahinga sa isang sulok na nagtamo ng mga paso sa kanyang braso matapos sindihan ng mga ito ang mga balloons o lobo.


Sa isang video na nai-post ng Rapper na Gamer, isang pangkat ng mga bata ang nakatayo sa may hagdan, na tila nakikipag-hang out lang at nag-uusap usap.

Ngunit ilang sandal lang, may itinapon ang isang batang lalaki papunta sa mga lobo ng kawawang tindero na walang ginagawa kundi namamahinga.

Matapos nito,mabilis na nag takbuhan ang grupo at unti unti ring nagsi-putukan ang mga lobo ng lalaki. Mabuti na lamang at agad niya itong naapula bago tuluyang kumalat sa kanyang katawan.

Sa una ay medyo mabagal lang ang pag putok ng mga balloons, ngunit ilang saglit lang ay biglang lumaki ang apoy at napatalon ang lalaki habang sinisikap nito na mapahinto ang apoy.


Makikita rin sa video na naiwan pa sa kanyang braso ang mga tali ng mga lobong kanya pa sanang ibebenta. *

Screen cap mula sa video kung saan makikita ang mga batang nanunog ng lobong paninda ng lalaki


Marahil sa sobrang pagka gulat ay hindi niya alam na isang grupo ng kabataan ang may gawa niyon sa kanya.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 625 shares ang video na ito at maraming netizens ang di mapigilan ang magalit sa mga gumawa. Narito ang ilan sa kanila.

"Nawalan na ng kita yung nagtitinda nasaktan pa, kung tutuusin sa ginawa nila pwedeng magsimula ng sunog yun. Kung di kaya mapakulong ang bata dapat gumawa ng batas na kapag nakagawa ng krimen putlan man lang ng daliri yang mga kumag na yan"

“eto yung mga batang pinoprotektahan ng batas, na di dapat makulong kapag may kabulastugang ginawa, dahil menor, dahil di pa daw dapat parusahan, dahil mura pa daw ang isip... eto yun ehh.. eto yung pinipilit nating igiit sa mga utak natin na wala pang kasalanan ang mga ganitong edad...”*

Ang nag aapoy na mga lobo matapos sindihan ng grupo / larawan mula sa video

"hoyyyyy, mga gumagawa ng batas... baka iyong klaseng mga bata ang papatay sa inyo pag walang pagbabago sa batas nyo..mapapamura ako sa inyo ehh"

 “susme kawawa nman c manong asan ba ang mga mgulang ng batang yan..dapat maparusahan yan”


"Grabe mga walang awa dapat dyan turuan ng leksyon ng di tularan at marami matakot gumawa ng masama"

"Bwesit na mga bata yan..dpat makulong yan...anung klseng pag papalaki yan ....mga wlang awa....dpat tlga parusahan mga gnyan uulit at uulit yan...makakapatay ng gnyang uri ng kabataan ngayon..."


Napatalon ang biktima at ubos na rin ang mga lobong nakatali dapat sa kanyang braso / Larawan mula sa video

Tali na lamang ang natira sa mga lobo ni kuyang vendor / larawan mula sa video







Love this article? Sharing is caring!

Para masabing astig? Grupo ng kabataan sinunog ang mga lobo ng lalaking tindero habang tulog Para masabing astig? Grupo ng kabataan sinunog ang mga lobo ng lalaking tindero habang tulog Reviewed by Sidney Cruz on 10:08 PM Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.