Hindi lingid sa kaalaman ng marami na kumalat noon ang balitang binuhusan umano ng tubig ng aktor na si Coco Martin ang isa sa kanyang mga staff sa kasalukuyan nitong teleserye sa ABS-CBN.

Sa gitna ng pangamba na magsara ang naturang istasyon dahil sa issue ng franchise renewal, nadawit ang pangalan ng aktor sa Ang Probinsyano. 

Ito ay matapos magkomento ang ilang netizen sa mga post sa social media ng aktor na si Robin Padilla kaugnay ng naturang issue sa Channel 2.

Ayon kay Padilla, laganap umano ang hindi tamang pagtrato sa ilang staff sa likod ng kamera. Dahil dito, lumutang ang pangalan ni Coco sa gitna ng tirada ni Padilla sa Kapamilya. 


Noong 2018, maalalang bali-balitang binuhusan raw ni Coco ang isang audio man matapos itong makitang natutulog habang sila ay nagte-taping. 

Sa isang ulat ng Artista Central, isang text message mula sa souce ng Abante Tonite ang nagsabing: "Nangyari ito sa taping ng Ang Probinsyano, paspasan ang kanilang trabaho, pagod na pagod silang lahat dahil sunud-sunud ang taping nila. Dahil sa sobrang pagod, inantok ang kanilang audio man, pero nakaupo naman siyang naidlip."

Saad ni Robin, "Napakarami ko pong pelikula na nagawa ko na nagkataon lang na wala akong ganang magpelikula dahil sa nangyayari sa likod ng camera matagal na pong practice yan."

Dagdag pa nya, "Natutunan lang po yan ni direk Coco sa mga naunang action stars siguro po mainam sabihin nyo po kay direk Coco na 'wag bubuhusan ng tubig 'yung mga crew na nakakatulog sa pagod at pagpatol sa location manager na babae."

Source: Artista Central


Love this article? Sharing is caring!

Pambubuhos ng tubig ni Coco Martin sa staff, kinumpirma ni Robin Padilla Pambubuhos ng tubig ni Coco Martin sa staff, kinumpirma ni Robin Padilla Reviewed by The News Feeder on 9:43 PM Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.