Robin Padilla and wife Mariel / photo from chisms


Muling nag post sa kanyang social media account ang actor na si Robin Padilla, ito ay matapos makarining ng ilang batikos mula sa kapwa mga artista.

“Pabida daw ako sabi ng netizen pasensya na po kayo ilang dekada rin po ako na nagbida sa maraming pelikula at teleserye” saad ni Robin.


Ayon sa action star, naging emosyonal siya habang nagpo-post ng mga mensahe, lalo na ang tungkol sa paghamon mga artista ng ABS-CBN at GMA na ipakita ang kanilang mga kontrata sa publiko upang malaman ng lahat ang malayong pagkakaiba ng kanilang mga suweldo at ng mga ordinaryong mga empleyado lamang.

At bilang regalo daw sa kanyang misis na si Mariel Padilla ngayong araw ng mga puso ay humihingi ng tawad si Robin.

“as a gift to my wife this valentines day I apologize to all her family and friends in abscbn 
ganon din sa gma at tv5 "

“patawarin niyo ako the ex convict in me overtook my emotions inaamin ko ang aking pagiging mapusok i could have said my piece in a spiritual way,” ayon sa post ni Robin sa kanyang Instagram

Gayunpaman, binigyang diin pa rin ng actor na ang mga pangkaraniwang manggagawa ay dapat maayos na nababayaran para sa kanilang trabaho at ang mga artista ay dapat protektahan.

“napakadilim na mundo ng showbizness 70 percent ng workers sa movie industry are living in poverty at sila yun mga nasa ground and almost 90 percent ng lead actors and actresses character actors and actresses die in poverty and shame some are exploited to gain mercy and financial assistance The King himself Eddie Garcia died in vain and in pain while performing his duty as an actor,” ayon pa sa beteranong actor.*


Marami naman ang nagpaabot ng suporta sa mga sinabing ito ni Robin. Narito ang ilan:

“Hindi na iisipin ng artista kung tama ba o mali ang kompanya nila kasi abs nagpapakain sa kanila. Peru buti nlng may duterte at saka lang binayaran ng abs ang dekadang utang tax nila kung Hindi naupo ang duterte I'm sure free tax sila at im sure pag liberal naka upo balik free tax ulet sila.”

“Idol sa kahit anong aspeto, pabida ka lang sa taong makitid ang isip at may sariling agenda sa buhay”

I have so much respect for you sir @robinhoodpadilla nakakalungkot lng karamihan sa atin gusto ng pagbabago Pro kapag labag sa gusto nila ang ginagwa ng pamahalaan magagamit sasabihn pinupolitika tapos magrereklamo na walng pagbabago... Marami ako kinalakihan at minahal na program sa abs Pro malaki ang tiwala ko sa pamahalaan na ang lht ng ito para interes ng mamamayan Filipino.. Proud šŸ‡µšŸ‡­ ofw here











Love this article? Sharing is caring!

Pabida daw kasi! Robin humingi ng tawad sa asawang si Mariel, sa mga kasamahang artista dahil sa ABS CBN post Pabida daw kasi! Robin humingi ng tawad sa asawang si Mariel, sa mga kasamahang artista dahil sa ABS CBN post Reviewed by Sidney Cruz on 14 February Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.