Vlogger Marlon de Vera | Photo credit to the owner

Isang vlogger ang talaga nga namang pumukaw ng atensyon ng publiko matapos itong magsagawa ng prank at magpanggap na biktima ng novel coronavirus (nCoV), kung saan kunyari itong natumba at humandusay sa isang mall sa Legazpi city noong Linggo, Pebrero 2, 2020, na naging sanhi ng pagkabahala ng mga tao sa paligid nito.

Kinilala ang vlogger na si Marlon de Vera, na may Youtube channel na "Uragon Vlogger". 


Marlon de Vera's prank | Photo credit to the owner


Marlon de Vera's prank | Photo credit to the owner
Kwento ng security guard ng Yashano Mall, mga bandang 4:00 ng hapon ginawa ni de Vera ang prank nito sa harap ng nasabing mall, kung saan nagkunwaring may coronavirus habang kinukuhanan ng video ng kasama nito.

Agad namang inimbestigahan at kinuwestyon ng security division ng mall ang inasal ni de Vera at mabilis naman itong umamin na prank lamang ito at siya ay isang vlogger. 

Personal din umanong nagtungo ang vlogger sa management office ng Yashano mall upang humingi ng paumanhin at agad ding naglabas ng isang video noong Linggo ng gabi para sa isang 'public apology'. 

Vlogger Marlon de Vera | Photo credit to the owner

“Nagkamali po ako at ngayon po kinakabahan po ako kasi po di ko ini-expect na ganito mangyari sa prank ko kanina sa isang mall na coronavirus prank. Sana po mapatawad ninyo ako. Lesson learned po ito sa akin at sa management po ng mall na na-prank ko sana po mapatawad ninyo po ako ulit. Bukas na bukas po pupuntahan ko po kayo para magkausap po tayo. Binigay ko na po ang lahat ng details ko sainyo para po mai-settle po natin, kaya lang po kumalat na po sa social media about sa kaso na iaangat nyo daw po sa akin. Nasa flash report na po, dalawang reporter na ang nakausap ko at nabasa ko na rin po ang mga comments ng mga commentors. Sa ngayon po hindi ko alam ang gagawin ko, humihingi po ako sainyo ng advise o kung anuman po na pwede ninyong maitulong sa akin”, ani de Vera.

Ayon kay Police Capt. Dexter Panganiban ng Legazpi city, hindi na na-aresto muli ang suspek dahil nagkaroon na ng settlement sa pagitan nito at ng management ng nasabing mall.

Paalala at babala naman ng konsehal doon na si Vince Baltazar, ang pagbibiro at pagsasagawa ng mga 'scare pranks' ay isang 'grave public scandal' at maaaring magdulot ng pagkakasala at patawan ng parusa sa ilalim ng revised penal code ng bansa.




Love this article? Sharing is caring!

Not Funny! Vlogger sa nCoV Prank, Arestado. Humingi ng Tawad sa Publiko Not Funny! Vlogger sa nCoV Prank, Arestado. Humingi ng Tawad sa Publiko Reviewed by Dolores Buendia on 04 February Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.