![]() |
Photo credit to the owner |
Malawak na rin ang panawagan at petisyon ng mga artista ng nasabing istasyon na huwag sanang matuloy ang 'shut down' ng kumpanya, sa kabila ng napapa-balitang mga kasong kinakaharap nito.
![]() | ||
ABS-CBN logo | Photo credit to ABS-CBN
|
Isa sa matapang na nagsaad ng kanyang opinyon ay isang netizen sa likod ng isang Facebook page, at dito, kanyang masusing pina-alala ang diumano ay hindi patas na pagbabalita at pagtrato ng network sa kasalukuyang administrasyon, kung saan diumano ay pinagkaisahan ng mga kalaban sa pulitika, simbahan, at mga negosyante.
Narito ang buong Facebook post:
#OpenLetterToKapamilya.
Dear Abs-Cbn,
Naalala mo pa ba?
Nung mga panahong akala mo ay laging nasa taas ka.
Yung mga pagkakataong "Number One" ka,
... yan ang lagi mong binibida.
Mapa sitcom, showbis, musical o telenovela.
Mas mahusay ka.. at yung mga taga Kamuning ang laging pangalawa.
Yung mga panahong humahakot ka ng parangal.
Mga panahong akala mo ay magtatagal.
Nung mga sandaling lahat ng sikat sa kabila ay sayo lumulugar.
Naalala mo pa ba? O maala-ala mo pa kaya kung sakaling tuluyang lumisan ka na.
Yung dati mong ningning mag-aandap na ba?
Yung balita mo sa madla? Naalala mo pa ba?
Na palaging dehado yung tatay naming taga probinsya.
Na kahit anong gawin nyang maganda ay di mo kayang ipakita.
Dinaya nyo pa nga nung di mo inere yung campaign ad nya.
Ano naalala mo na ba?
Naalala mo pa ba na halos desperado na ang mga dilawan?
At ikaw ang napili nilang lapitan...
Gamit ang mga musmos at inosenteng kabataan, para lamang sya ay siraan...
Ano naalala mo na ba?
Nakita mo naman marahil.. kung gaano nagkaroon ng pagkakaisa.... kung paano ihinalal ng mga tao ang isang promdi.
Isang promdi na minahal ng marami.
Isang bastos sa tingin ng mga kagaya mong disente.
Pinagkaisahan ng mga kalaban sa pulitika, maging simbahan, pati negosyante.
Ano naalala mo na ba Kapamilya?
Kapamilya? Kapamilya ka nga ba?
Kapamilya ba ang turing sa isang tahanang, laging may pinapanigan?
Sa pamamagitan ng mga huwad mong ulat sa bayan, pinipilit mong takpan ang liwanag na dapat ay siyang nakikita ng bayan.
Kapamilya ba yung laging pintas lang ang napupuna at ikukubli yung bagay na maganda.
Kung paano mo naicover ang bulkang taal sa pamamagitan ng drone,
sana naisipan mo rin yan sa mga pagtitipon ng mga supporters ni Digong.
Kung paano mo hinahay-light yung mga biktima ng tokhang, sana ganun din yung pag balita mo ng mga nasagip, sumuko at nagbago dahil sa programa ng pamahalaan.
Hinde eh... Hero si Kian, si Duterte ang kalaban.
(Hindi hayagan, pero ganun ang datingan)
Ano naalala mo na?
Eh yung buwis, sapat po ba?
Habang yumayaman ka, at ang iyong mga artista? Ganun din kaya ang mga kapamilya?
O baka naman isusubo na lang nila chinaw mo pa. In the service of the Filipino ka nga ba? O in the the service of Aquino ka?
Sana maalala mo na...
Kung sakaling tuluyan ka nang mamaalam, aminado kami mamimiss ka namin.
Mamimiss namin si Cardo, mamimiss namin ang bahay ni Kuya.
Mamimiss namin yung pamimigay ng tsinelas ni Korina.
Yung mga bastos na joke ni Vice ganda.
Ay syempre, higit sa lahat...... Si Ivana.
Paalam kapamilya.....
Ang huling anim na linggo.
![]() |
Artists of ABS-CBN | Photo credit to the owner |
Source: Bigboss Duterte
Love this article? Sharing is caring!

Netizen writes striking open letter to ABS-CBN: "Paalam Kapamilya..... Ang huling anim na linggo.."
Reviewed by Dolores Buendia
on
14 February
Rating:

No comments:
Share your thoughts here...