Sa gitna ng pag subok na nararanasan ngayon ng mga Chinese citizens dahil sa pangungutya ng ilang lahi tulad ng ilang mga Pilipino sa kanila matapos kumalat ang corona virus na nag mula sa Wuhan, China ay nanatiling positibo naman ang marami na malalampasan ito sa pamamagitan ng pagkakaisa at pag tulong sa kapwa.

Isang pamilya na Chinese-Filipino o Tsinoy ang nag viral sa social media matapos ang post ng isang netizen na si Say Mahu na mula umano sa Caloocan.

“I just want to take credit to this Chinese-Filipino family. They'd to spent their money for the welfare of the Filipino. Sobrang nakakataba ng puso.”Ayon sa caption ni Say Mahu sa mga larawan na kanyang binahagi.


Makikita sa mga larawan ang isang pamilya kasama ang mga anak na namimigay ng face masks at alcohol sa daanan.

Larawan mula sa Facebook post ni Say Mahu


“Nakita ko sila may hatak na trolley na maliit naglalakad. Yun pala naghahanap lang ng pwesto, tapos maya maya pagbalik ko nasa gilid na sila ng eskwelahan naghihintay ng may mabibigyan.” Ayon pa sa netizen

“Maraming salamat. God bless you guys.” Dagdag pa ni Say Mahu.

Humanga naman ang mga netizens at agad na nag viral ang nasabing post na umabot na sa 11k na shares simula kahapon.

Marami ang na-touch sa ginawang ito ng pamilyang Tsinoy at ang ilan ay hindi napigilan na mag bahagi din ng kanilang saloobin. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:*


Larawan mula sa Facebook post ni Say Mahu


“Iba na talaga nagiging ugali nila kapag natira na dito sa atin even my supplier gave me a box of face mask.. we should pray more para sa bansa nila na matapos na at masolusyunan na ang problema nila, because their problem is our problem too kapag nag totaly out of control na ito. May the Lord heal their land and all of the other infected sa ibang country and also iprotect tayo ng Panginoon na huwag ng kumalat o madagdagan pa at pagalingin nya ang mga suspected persons by the blood of Jesus. Amen”


“Hindi naman kasi lahat ng chinese masama ugali o kumakain ng tulad ng nakikita natin sa social media.. malamang matagal na mga yan dito satin”

“Ayan tapos yung Pilipino na laging nang babash sa kanila tumatanggap hahaha nakakahiya kayo nagreklamo pero ayun nakakatanggap din hahaha”








Love this article? Sharing is caring!

Netizen pinuri ang pamilyang Tsinoy na namigay ng masks at alcohol bilang proteksyon sa virus Netizen pinuri ang pamilyang Tsinoy na namigay ng masks at alcohol bilang proteksyon sa virus Reviewed by Sidney Cruz on 7:26 PM Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.