Sa kabi-kabilang diskriminasyon na nagaganap ngayon sa bansa dahil sa takot sa sakit na dulot ng nCoV, isang pinoy ang nagbahagi ng kanyang saloobin at nagsisi sa pagiging racist kamakailan lamang dahil sa bugso ng damdamin.
Hindi maikakaila na hati ang opinyon ngayon ng madla tungkol sa napakainit na usaping ito.
Ang ilan ay nagmamalasakit para sa lahat ng kapwa tao anuman ang lahi, samantalang ang iba naman ay nakatuon lang ang pansin sa mga kapwa Pilipino. Gaya na lamang ng isang netizen na ito na agad namang nagsisi matapos alalahanin ang kabaitan sa kanya ng mga Chinese.
Sa kanyang Facebook post, inisa-inisa ni Laryiel Aguirre ang halos hindi mabilang na mga kabutihang ipinakita sa kanya ng mga Chinese sa napakaraming pagkakataon.
"guilty ako na mejo naging racist ako lately , fck . naalala ko bigla mga kabaitan ng mga chinese sakin" pagsisimula ni Aguirre.
"wala akong matandaang ginawang masama sakin o sinabi sakin." ika pa nya, patungkol sa mga intsik.
Narito ang buong Facebook post:
guilty ako na mejo naging racist ako lately , fck . naalala ko bigla mga kabaitan ng mga chinese sakin like nung sa boracay sa hotel , ako nag lagay ng milk sa cereal nung chinese kase hawak ko nnman thank you siya ng thank you umakyat pa siya ng room para lang bigyan ako ng candies galing china lagi q un gingwa sa ibang lahi at sa pinoy pero walang gumawa ng katulad saknya. yung iba di lang namamansin kase takot sila hindi sila marunong mag english . yung supplier ko nung college pako nung nag online business pako laki discount bigay sakin lagi pako nginingitian.sila din yung ginagaya ko pag dating sa pag hawak ng pera .
nung nag trabaho ako sa casino pinoy ang mga sumumpa ,nag mura at bumastos sakin ,pero sa dami ng chinese na nahawakan ko bukod sa pag dura sa elevator at sa sahig . wala akong matandaang ginawang masama sakin o sinabi sakin.
Source: Laryiel Aguirre
Love this article? Sharing is caring!

Netizen nagsisi sa pagiging racist, inalala ang kabutihan sa kanya ng mga Chinese
Reviewed by The News Feeder
on
01 February
Rating:
No comments:
Share your thoughts here...