Sa gitna ng napipintong pagsasara ng ABS-CBN, tila nagpakita ng suporta sa Kapamilya network ang rival network nito na GMA sa pamamagitan ng tatlong kapuso news achor.

Nag-trending sa social media ang larawan ng 24 oras news anchors na sina Pia Arcangel, Vicky Morales, at ang dating Kapamilya news correspondent na si Atom Araullo.

Sa nasabing larawan, makikita ang tatlong suot ang mga kulay na bumubuo sa logo ng ABS-CBN. Kasunod ito ng nakabantang pagsasara ng Channel 2 kung sakaling hindi maaprubahan ng kongreso ang franchise renewal ng nasabing network.

Samantala, saad naman ng Facebook uploader ng naturang larawan na si Robert Terranz, “Did… did the 24 Oras reporters really wear ABS-CBN’s theme colors??? Is this a coincidence??? Is this media solidarity??? My heart is soft,”

Tignan ang mga larawan:





Source: Inquirer


Love this article? Sharing is caring!

LOOK: GMA News anchors wear ABS-CBN colors LOOK: GMA News anchors wear ABS-CBN colors Reviewed by The News Feeder on 5:28 PM Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.