Larawan mula sa Wikipedia at Philstar |
Upang matulungan ang mga Filipino laban sa banta ng coronavirus
sa bansa ay nag donate ang gobyerno ng China ng 200,000 na surgical masks, ayon
sa palasyo ng Malacanang.
Nagpasalamat din ang Pilipinas sa tulong na ito mula sa
Chinese government at sinabing ang pagbabahagi ng kaalaman maliban sa masks ay
napakalaking tulong upang malabanan ang coronavirus.
“We wish to acknowledge with great appreciation the donation
of the Chinese government of 200,000 surgical masks and its offer of sharing
medical information and findings on the novel coronavirus. Such sharing will go
a long way in better understanding and containing the spread of nCoV,” ayon kay
spokesman Salvador Panelo nitong Linggo
Nanawagan din si Panelo sa publiko na maging maingat sa pagpapakalat
ng impormasyon sa social media na maaring maging sanhi ng takot ng mga tao.
“They will only exacerbate the already heightened fear among
the people by their negativism. Instead of dwelling on the negative, we all
should join hands in allaying the apprehensions of the citizenry and contribute
to the containment of the disease by observing and following the health
protocols put up by the Department of Health and other agencies of the
government,”aniya
Hinikayat din ni Panelo ang mga netizens na magkaisa at
maging mapag matyag.
“Let us all be united and vigilant with the rest of the
countries and their citizens in combatting and surmounting this global health
emergency,” aayon kay Panelo
“We acknowledge the grave anxiety over the safety of the
Chinese people, as well as the other nationals of the rest of the world, by the
People’s Republic of China.” aniya*
“As members of the family of nations, we remain faithful in
our commitment and resolve to help and support one another in these trying and
quietus times even as we express our thanks to countries, including China, for
helping us in our own fight against the spread of the virus in our territory,”
dagdag pa ng spokesman ng Pangulo
Presidential Spokesman Salvador Panelo |
Sa Pilipinas, dalawa na umano ang kumpirmadong nag positibo sa
2019 nCov, na parehong mga Chinese nationals na nanggaling ng Wuhan, China.
Dahil sa pagpasok ng virus sa bansa ay marami sa Pilipino
ang di maiwasan ang mag panic. Ang iba naman ay lantarang umiiwas sa mga Tsinong
naninirahan sa bansa.
Nagkaroon din ng kakulangan sa surgical masks at
nagkakaubusan na sa mga drug stores ng supply nito.
Kaya naman, nag padala umano ang China ng 200,000 pirasong
masks para sa mga Pilipino. Bukod dito, binahagi din ng China ang kanilang
kaalaman tungkol sa naturang coronavirus.
Love this article? Sharing is caring!

'Let's all be united': China donates 200K surgical masks to help PH combat nCoV
Reviewed by Sidney Cruz
on
03 February
Rating:
No comments:
Share your thoughts here...