![]() |
Photo credit to Reuters |
Ayon sa balita, sadyang nagpumilit si Lu Yuejin, 50 taong gulang, ina ng batang may cancer, na makatawid sa 'police checkpoint' sa tulay sa ilog ng Yangtze, palabas ng Hubei province, na sinasabing nasa kasalukuyang virtual lockdown dahil sa patuloy na pagkalat ng coronavirus.
![]() |
Lu Yuejin | Photo credit to Reuters |
“My daughter needs to go to hospital in Jiujiang,”, pagmamakaawa diumano ni Lu Yuejin sa nasabing checkpoint.
Dagdag pa niya na kailangang magpagamot ng kanyang anak ngunit hindi sila pinapayagan makadaan ng mga ito.
“She needs to have her treatment. But they won’t let us through.”, kwento ng ina.
Sadyang nakakadurog ng pusong makita sa mga sandaling iyon ang batang may-sakit na nakaupo sa lupa at nakabalot sa isang kumot habang si Lu ay nagmamakaawa sa mga kinauukulan.
“Please, take my daughter. I don’t need to go past ... please, just let my daughter go past,” pagmamakaawa niya.
Ang pagmamakaawang ito ni Lu ay laban sa anunsyo ng kanilang lugar kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang mga residente doon na lumabas patungong Jiujiang, isang probinsya sa Jiangxi.
Ang tulay na pag-daraanan sana nila palabas ay mahigpit na isinara upang ihinto ang pagkalat ng virus na sinasabing nakahawa na ng 14,380 katao, karamihan ay galing China, at kumitil sa buhay ng higit sa 300 na tao.
![]() | ||
Lu Yuejin and daughter | Photo credit to the owner
|
Ngunit sa kabila nito ay nagbaka sakali pa din si Lu at nagmakaawa sa kakaibang kaso ng anak na may sakit at sinabing gusto lamang niyang sagipin ang buhay nito.
“All I want to do is save her life,” pakiusap niya.
Matapos ang ilang oras ng pakikiusap ay pinayagan din makatawid ang mag-ina at isang ambulansya ang dumating upang isakay sila.
Source: Reuters
Love this article? Sharing is caring!

Ina ng Batang may Cancer Nagmakaawa sa Virus Blockade: "Please take my daughter!"
Reviewed by Fresh News Pinoy
on
03 February
Rating:

No comments:
Share your thoughts here...