Kasunod ng pagkalat sa social media ng video ng isang lalaking singkit na nakahandusay sa Taft, ay ang paghihinala ng ilan na ito ay isang Chinese na maaaring nadali ng novel coronavirus.

Sa gitna ng agam-agam ng ilan, pinasinugalingan ito ng isang balita mula mismo sa Facebook page ng Manila Public Information Office.

Base sa nilabas na statement sa nasabing page, walang katotohanan ang kumakalat na malisyosong impormasyon tungkol dito ayon sa Ermita Police Station.

"There is no truth to the rumor that a Chinese national fell along Remedios Street due to suspicions that he allegedly had novel coronavirus, according to a report by the Ermita Police Station", pagsisimula ng nasabing statement.

"Ermita Police Station Commander Police Lieutenant Colonel Ariel Caramoan, quoting the report, identified the person shown in the viral photos and videos taken on Saturday, February 1, as a drunk Korean national." paliwanag pa nito.

Narito ang buong pahayag:



Noong Sabado, isang netizen ang nag-upload sa Facebook ng video kung saan makikita ang lalaking nakahiga sa sidewalk ng Taft Avenue corner Remedios Street.

Saad pa ng uploader, inatake muna ng seizures ang foreigner bago ito nakatayo at nagpagewang-gewang makalipas ang isang oras na pagkakahandusay.

Panuorin ang viral video:


Source: Inquirer


Love this article? Sharing is caring!

Hindi Chinese! Lalaking nag-collapse sa viral video, napag-alamang lasing na Koreano Hindi Chinese! Lalaking nag-collapse sa viral video, napag-alamang lasing na Koreano Reviewed by The News Feeder on 03 February Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.