Isang lalaki na nagpakilala bilang bodyguard ng pamilya ni Sarah Geronimo ang lumapit umano sa pulisya ng Taguig, Biyernes ng madaling araw. Ang dahilan, ayon sa mga ulat, ay para i-report ang ginawa sa kanya ni Matteo Guidicceli.

3:00 ng madaling araw ng magpunta si Jerry Tamara sa police at idinetalye ang mga pangyayari.

Ayon kay Taguig chief of police Col. Celso Rodriguez, nagpunta si Tamara sa pulisya para ireklamo ang panununtok ni Guidicceli. Ibinahagi din ng nagpakilalang bodyguard na nangyari ito kasunod ng pag-aakusa umano ni Matteo na si Tamara ang nag-leak ng kasal nila sa mga magulang ni Geronimo.


Naganap ang nasabing engkwentro sa isang hotel sa Bonifacio Global City Huwebes ng gabi.

Tutol umano ang mga magulang ni Sarah sa planong pagpapakasal. Subalit ibinilin raw ng mga magulang ng singer sa naturang guard na tutukang mabuti ang mga aktibidades ni Sarah at Matteo.

Paglalahad raw ni Tamara, dumating ang nanay ni Sarah na si Divine sa hotel, alas-onse ng gabi para kausapin ang anak.

Nang makita ni Matteo ang nanay, agad umanong pinagbintangan ng aktor si Tamara at binanatan ito.

Gayunpaman, nagpasya ang bodyguard na hwag nang sampahan ng kaso ang aktor na ngayon ay mister na ni Sarah.

Source: Inquirer


Love this article? Sharing is caring!

Guidicceli, sinuntok umano ang lalaking nag-leak ng kasal nila ni Sarah Geronimo Guidicceli, sinuntok umano ang lalaking nag-leak ng kasal nila ni Sarah Geronimo Reviewed by The News Feeder on 4:32 PM Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.