Sa panahon ngayon kung saan marami sa mga kabataan ang hindi binibigyan ng sapat na halaga ang pag-aaral, isang batang hikahos ang namataang gagawin ang lahat maipagpatuloy lamang ang pag-aaral.

Lumutang sa social media ang mga larawan ng isang bata na nagsusumikap makapag-aral sa kabila ng labis na kahirapan.

Base sa larawan na in-upload ni Aaron Joseph Yulde, makikita ang bata na nakaupo sa overpass habang matyagang ginagawa ang tila assignment o gawaing bahay nito.

Kaharap ng bata ay ang kanyang mga nakalatag na bulaklak ng Sampaguita na binibenta.


Sa pagtingin pa lang sa mga larawan ng nakakaawa ngunit nakabibilib na musmos, malalaman agad na ang pagtitinda ng mga bulaklak ang tanging paraan ng bata upang masuportahan ang sarili sa pag-aaral.

Dahil sa sipag at tyaga para maabot ang kanyang mga pangarap, hindi kagulat-gulat na umani ng papuri mula sa mga netizen ang chikiting.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na talaga namang mahirap pagsabayin ang pag-aaral at trabaho lalo na sa murang edad ng batang ito na napaka-pursigido sa buhay.

Sa kasalukuyan ay trending ang nasabing Facebook post na ngayon ay may 5.7k shares na.

Tignan ang mga larawan:



Source: Luluboy TV


Love this article? Sharing is caring!

Isang bata, sa tulay gumagawa ng assignment habang nagbebenta ng sampaguita Isang bata, sa tulay gumagawa ng assignment habang nagbebenta ng sampaguita Reviewed by The News Feeder on 7:25 PM Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.