Isa sa malaking problema ng mga Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) natin sa bansa ang araw araw na maraming pag labag ng mga motorista sa batas trapiko.

At malamang relate din dito ang mga motoristang nakaka salamuha ng kapwa driver na walang tamang courtesy sa daan at madalas pang nagiging sanhi ng aksidente.

Ayon sa MMDA, karaniwan umanong sanhi ng mga traffic violation sa kalsada ay ang kakulangan ng mga driver sa tamang kaalaman o edukasyon sa mga bagay ba nay kinalaman sa lansangan.

Dahil dito ay ipapatupad na umano ng Land Transportation Office (LTO) ang bagong requirement para maka kuha ng student’s permit kung saan ay kailangan nang mayroong 15 oras na training mula sa isang accredited driving school ng LTO ang isang aplikante.

Ang student’s permit ay ang paunang lisensya na kailangan upang makapag aral magmaneho ng sasakyan at makakuha ng non-professional driver’s license permit , ang lisensiya na karaniwang hawak ng mga private car drivers.

Samantala, kung nais mo naman kumuha ng professional driver’s license, kailangan tumagal ng 5 buwan ng iyong student drivers license kasama ng NBI o police clearance.

Ginawa ng LTO ang hakbang na ito dahil sa lumalalang numero ng mga motorista na lumalabag sa batas trapiko na tinatayang 12, 000 sa Metro Manila ang nagkakamit ng hindi bababa sa 3 violations.

Ayon pa sa LTO, mas magiging epektibo umano kung dadaan sa professional na instructor ang isang taong nais matutong mag maneho dahil mas mabibigyan sila ng tamang kaalaman kung anu ang dapat tandaan ng isang driver sa lansangan.*

Mayroon umanong tatlong lecture ang gagawing 15 hours na training sa driving schools kasama na ang pagtalakay sa traffic rules, land transportation related special laws, at ang mismong pagtuturo ng wasto at ligtas na pagmamaneho.

Magpapadala umano ng electronic certificate ang driving school sa LTO na magiging pasaporte ng aplikante para mabigyan ng student’s permit.

Sinigurado naman ng ahensya na hindi aabusuhin ng mga driving schools ang bagong panuntunan na ito at titiyakin din nila na magiging abot kaya ang babayaran ng mga aplikante sa pagmamaneho.
Sisimulan na umano sa darating na Abril ang pag papatupad ng nasabing requirement.

Dagdag pa ng LTO, para matiyak na hindi magiging pasanin sa mga motorista ang training ay magtatayo ang ahensya ng ng mga driving school na mas abot-kaya ng mga kukuha ng student permit.

Larawan mula sa PIA









Love this article? Sharing is caring!

Bagong requirement ng LTO: 15 oras na training bago student permit para sa tamang kaalaman Bagong requirement ng LTO: 15 oras na training bago student permit para sa tamang kaalaman Reviewed by Sidney Cruz on 19 February Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.