Hindi napigilang ihayag ng Darna actress ang kanyang saloobin kasunod ng paglutang ng isang Facebook post ng isang artista na dati na nyang nakatrabaho.

Sa kanyang Instagram post, pinaliwanag ni Angel Locsin ang bahagi ng article na nasa Facebook post ng aktres na si Vivian Velez.

Base sa naturang post, makikita ang pangalan na 'Angelica Colmenares' bilang isa sa mga stockholder umano ng ABS-CBN network.

Sa comment section, makikita naman ang komento ni Velez kung saan sinasabi nyang si Angelica Colmenares ay si Angel Locsin.

Dahil dito, pumalag si Locsin at pinaliwanag ang storya sa likod ng lumutang na impormasyon.

Narito ang Instagram post ni Locsin:


I saw some posts and been reading accusations that were thrown at me for speaking up for what I think is right.
Just to clear things up,
1) I am not part of any political party, nor representing any politician.
2) I do not have an existing contract with ABS-CBN. Therefore, the company has no control on whatever I want to post.
3) Sorry to disappoint some people, but money is not everything. Hindi ko ho alam kung anong intention ni Ms. Vivian sa kanyang post, pero kung ito po ang gagamitin to discredit my name and what I stand for, hindi nyo po kailangang gawing issue. Kapag kumita po ang aking maliit na investment sa ABS-CBN, I WILL DONATE EVERYTHING TO CHARITY. Accounted.
Again, money is not everything. (For your knowledge, Maliit lang po ito. As in. It’s a privilege offer of the company to some of their employees in installment plan. Mine is payable for 5 years. Wala pa po sa half ang nabayad ko kaya sa understanding ko, HINDI KO PA PO PAGMAMAY-ARI ANG STOCKS na yun.) Nirerespeto ko ho ang opinyon ng lahat. Alam ko na magkakaiba man ng paraan, lahat naman tayo prayoridad ang kapakanan ng mga manggagawa. Yun naman po ang importante.

Source: Angel Locsin Instagram


Love this article? Sharing is caring!

Angel Locsin, bumuwelta sa paglagay ng malisya sa pagiging stockholder nya sa ABS-CBN Angel Locsin, bumuwelta sa paglagay ng malisya sa pagiging stockholder nya sa ABS-CBN Reviewed by The News Feeder on 6:50 PM Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.