Pinagsama-samang larawan mula sa Facebook at YouTube



Napag alaman na lima sa pitong kabataan na nanunog ng mga lobo ng isang vendor sa Maynila ay pawang mga menor de edad.

Nag viral nito lang ang video kung saan makikitang pinasiklab ng isang grupo ng kabataan ang mga panindang lobo ng isang lalaki habang ito ay natutulog na naging sanhi ng pagkasun0g ng braso at paa nito.

Ayon sa ulat ng GMA News, pumayag ang biktimang si Oliver Rosales sa areglo ng pamilya ng mga batang involved sa nangyari sa kanya sa halagang P35,000.

Payo naman ni Oliver sa mga ito, huwag nang uulitin ang kanila ginawa: “’Wag na lang nilang ulitin sa ibang tao kasi hindi lahat ay marunong magpatawad,”

Dahil sa nangyari at nagtamo si Oliver ng paso sa kanyang braso at paa, nasunog din ang kanyang panindang 70 pirasong lobo na nagkakahalaga ng P3,000.

“Nagkaganoon po ako kasi po nakatali yung lobo po sa akin. Pag-idlip ko po, bigla na lang nagliyab ‘yung itaas. Kasi pag bagsak ng apoy, yung itaas yung lumiyab tapos nilamon na po ako nung buong apoy,” kwento ng biktima sa GMA News.

Ayon din sa ulat, hindi halos makakilos mag isa si Oliver at kailangan pa itong alalayan. 

Nanghihinayang din siya na hindi nakapag tinda noong araw ng mga puso kung saan dapat malakas ang kanyang kita sa pagtitinda ng mga lobo.

Samantala, naaawa naman ang kanyang ama na si mang Nicolas sa mga magulang ng kabataang sangkot sa pangyayari.

“Naaawa rin ako sa mga magulang. Kasi biro mo, ‘yung ipangkakain na lang nila, ibinigay pa sa amin alang alang na lang sa mga anak nila. Pero ‘yung mga bata naman hindi nila naisip yung sakripisyong idinulot nila sa mga magulang nila,” ayon dito.*

Matapos mag viral sa social media ang video ni OIiver, agad na nagparating ng tulong at suporta si idol Raffy Tulfo.

Ayon kay Tulfo, kanyang tutumbasan ang halagang binigay ng mga magulang ng kabataan para maibalik ito ni Oliver sa kanila. Nang sa gayun ay masampahan ang mga ito ng kaso. Nangako din si idol na kanyang tutulungan ang biktima na makapag sampa ng reklamo.

Sinabi din umano ni Tulfo na walang dapat ipag alala si Oliver dahil bibigyan niya ito ng livelihood showcase para hindi na siya magtinda pa ng mga lobo sa kalsada.

Samantala, umaasa din ang mga netizens na mabibigyan ng hustisya ang nangyari sa balloon vendor at sana ay tuluyan din niyang sampahan ng kaso ang mga may sala upang mabigyan sila ng tamang leksyon at aral.


Larawan mula sa YouTube.Raffy Tulfo in Action










Love this article? Sharing is caring!

Abswelto nalang? 5 sa grupo ng kabataan na nanunog ng lobo ng vendor, possible di makasuhan dahil menor de edad Abswelto nalang? 5 sa grupo ng kabataan na nanunog ng lobo ng vendor, possible di makasuhan dahil menor de edad Reviewed by Sidney Cruz on 16 February Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.