Larawan mula sa Twitter
Sa panahon ngayon, madalas ang mga kabataan ay hawak-hawak ang kani-kanilang mga gadget tulad ng cellphones, tablets o kaya naman ay iPads. Madalas ay makikita silang busy sa panunuod at paglalaro sa kanilang mga gadgets.

Nakakalungkot pang isipin na mayroon din mga batang hindi kumpleto ang kanilang araw kapag hindi nila nahawakan ang kanilang mga paboritong gadgets.

Gayunpaman, isang Twitter post ang nagpabilid sa mga netizen kung saan ay ibinida ng isang proud tita ang kanyang pamangkin kung saan ay hindi nito hilig ang paggamit ng cellphone at iba pang gadgets.

Ayon sa post, ang batang si Mikail ay mas paboritong gawin ang pagtulong sa mga gawaing bahay, pag-alaga sa nakababatang kapatid at sa murang edad na anim na taon ay marunong na din itong mag-plantsa ng sariling damit.
Larawan mula sa Twitter
Larawan mula sa Twitter
Ayon pa sa mga larawang in-upload sa Twitter, ang anim na taong gulang na bata ay tila hilig din ang pagtatanim at pagbubungkal ng lupa dahil sa tuwing uuwi umano sa probinsya ay ito na ang mga kinahihiligan niyang gawin.

Si Mikail ay ipinanganak sa siyudad ngunit tinuran siya ng kanyang mga magulang na kahiligan ang ganitong mga aktibidad dahil mas madami umano itong matututunan kesa sa pagbababad sa mga gadgets.


Madami ang namanghang netizen sa kanilang nakita na ang isang anim na taong gulang na bata ay madami na itong kayang gawin.
Larawan mula sa Twitter
Larawan mula sa Twitter
Sa panahon ngayon ay bihira na ang mga batang katulad ni Mikail na mas gustong matuto sa mga gawaing mas makakatulong sa kanyang hinaharap.

Magandang inspirasyon ito sa mga magulang diyan na subukang turuan ang kanilang mga minamahal na anak sa mga ganitong klaseng aktibidad upang sa ganun ay mas makakatulong ito sa kanilang magtanda.

****



Love this article? Sharing is caring!

6-yr-old kid, hindi hilig ang gadgets! Mas gustong tumulong sa gawaing bahay, magtanim at mangisda 6-yr-old kid, hindi hilig ang gadgets! Mas gustong tumulong sa gawaing bahay, magtanim at mangisda Reviewed by Oliver Natividad on 05 February Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.