Sa kabila ng konserbatibong kultura, hindi na bago sa pamilyang Pilipino ang hiwalayan ng mga magulang. Hindi rin lingid sa kaalaman ng lahat na ang pinaka-apektado sa mga ganitong sitwasyon ay walang iba kundi ang mga anak ng naghiwalay na mag-asawa.

Hindi man normal ang "broken family" sa bansa, tila naging normal na ang mga pagkakataon kung saan iniiwan ng nakikipaghawalay na magulang ang mga anak sa kanyang kabiyak. At kung kanino iniwan ang mga ito ang syang obligadong magtustos para sa pangangailan ng mga bata.


Pero alam nyo ba na ang hindi pagsuporta sa anak ay isang krimen at maituturing na child abuse?

Ayon ito sa Republic Act 7610, o ang  batas na tinawag ring An Act Providing for Stronger Deterrence and Special Protection Against Child Abuse, Exploitation, and Discrimination.

Gaya na lamang ng nangyari sa isang tatay na ito mula sa Naga City, Cebu.

Nang dahil sa ginawa nya, maaari syang mabilanggo ng 24 taon. Bukod pa dito, pagbabayarin pa ang naturang ama ng  P50,000 para sa "moral damages".

Ito ay matapos syang mahatulang guilty ni Judge Ester Veloso sa two counts ng kasong isinampa laban sa kanya na violation of Republic Act 7610.

Dalawa ang kanyang anak na inabandona, noon ay 15 at 14, na syang mga tumestigo laban sa lalaki.

Ayon kay Judge Veloso, “The acts of the accused in abandoning his children and depriving them of what they deserved under the law constitutes a violation of RA 7610.”

Hayag mismo ng kanyang anak na babae, limang taong gulang pa lamang sya nang sila ay iwan ng kanyang tatay para sa ibang babae. Dagdag pa nya, hindi na sila nakatanggap ng anumang suporta sa kanya mula noon.

Kwinento rin ng bata ang minsan na pag-anyaya sa kanya ng kanyang tatay sa kanilang bahay para makilala nya ang kanyang mga stepbrother. Sabi nya, nasaktan sya nang makita nya ang pagmamahal ng tatay nya sa kambal na anak, bagay na hindi nito naiparamdam sa kanya.

Kahit ang 14 anyos na anak ay nagpatotoo din laban sa lalaki. Ika nito, pinakilala pa mismo sya ng kanyang tatay sa babaeng ipinalit sa kanilang nanay.

Matapos makita ng bata na mas mahal ng kanyang tatay ang anak nya sa ibang babae kaysa sa kanila na unang pamilya, inamin nito na nagtanim na sya ng galit sa kanya mula noon

Banggit pa nito, tandang-tanda pa nya na tanging ang nanay lamang nila ang sumusustento sa lahat ng kanilang mga pangangailangan mula nang sila ay iwan ng ama noong sya ay 4 na taong gulang pa lamang.

Giit pa ng kanilang nanay na isang public school teacher, sya na lamang ang bumuhay sa dalawang bata mula ng iwan sya ng dating mister para sa ibang babae.



Source: Thoughtskoto


Love this article? Sharing is caring!

Walang kawala! Hindi pagsusustento, isang krimen ayon sa batas Walang kawala! Hindi pagsusustento, isang krimen ayon sa batas Reviewed by The News Feeder on 6:38 PM Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.