Dahil sa tuloy-tuloy na paga-alburoto ng Bulkang Taal, nakapanlulumo ang sitwasyon ng mga bakwit ngayon sa Batangas. Partikular na ang ilan sa kanila na dumiretso na sa isang sabungan doon para doon muna manuluyan habang hindi pa humuhupa ang kondisyon ng nasabing bulkan.

Patunay dito ang mga Facebook post ng ilang netizen kung saan makikita ang kasalukuyang sitwasyon doon.


Saad ng isang netizen na si Carmela Joy Lesiguez Delgado sa caption ng kanyang Facebook post,

Current scenario at Bauan Cockpit Arena, Brgy. Manghinao, Bauan Batangas.

More than one thousand evacuees are badly needing bedsheets/blankets, hygiene kit, diapers, medicines, undergarments and food.

Sa lahat ng evacuation centers na napuntahan ko these past two days, dito super nadurog at nanlumo ang puso ko. Sa pasilyo ng sabungan natutulog ang mga evacuees at karamihan ay tanging karton lamang ang sapin.

Muli po ay nangangatok kami ng donasyon para makapagbigay ayuda sa mga evacuees. Alam ko marami pang evacuation centers ang ganito ang sitwasyon. Nawa po ay sama-sama tayong magtulungan para sa ating mga kababayan.

Together we stand as one. God Bless us all. ❤🙏

At narito naman ang ilan sa mga litratong kasama ng naturang post:







Samantala, ito naman ang pakiusap ng isang netizen na si Priya Gjian NA:

Kindly help those in need.. wala po masyado nakakarating na tulong dto sa sabungan sa may manghinao.. you can directly give a hand to them.. they need at least food, water and beddings s mga karton nlng cla nakahiga.. and milk, clothes, diapers, meds and water para po s mga bata na yun iba almost a month old p lng.. according to the volunteers there are serious cases also na kelangan ng medical attention.. give them hope..kelangan po nila ng tulong natin since may mga papadating pa dw po dun..thank you for your considerations.. you guys are highly appreciated 🙏🏻☺️

God bless you and your generous heart..continue praying and be a blessing to everyone...please be safe and Keep the FAITH on fire.. 🙏🏻🙏🏻🙏🏻

You can call miss andrea para po sa iba pang tulong 09998700088

At ito ang mga litratong kasama ng kanyang Facebook post:



Kung kayo po ay may kakayanang tumulong, nawa ay wag kayong mag-atubili na makibahagi sa relief operations na ginagawa ngayon para sa mga bakwit ng Batangas.


Love this article? Sharing is caring!

Sabungan sa Batangas, ginawa na ring evacuation center Sabungan sa Batangas, ginawa na ring evacuation center Reviewed by The News Feeder on 15 January Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.