Dahil sa kabi-kabilang donasyon na natatanggap ng mga lalawigan ng Batangas, nagu-umapaw ang relief goods sa ilang mga evacuation center ngayon. Gaya na lamang ng kwento na ito ng isang netizen.

Ngunit dahil sa inasal di umano sa kanya ng isang officer na mula sa MSWD o Municipal Social Welfare Development, imbes matuwa ay nadismaya si Ghielian Carandang sa ipinakita ng nasabing government employee.


Base sa kwento ni Ghielian, pahirapan muna bago sya natanggap sa evacuation sa Sto. Tomas gym dahil sa isang babaeng nagngangalang Tess umano na taga-MSWD.

Aniya, pinayagan sila ng naturang MSWD officer na tumuloy sa nasabing evacuation center sa isang kondisyon: hindi umano sila hihingi ng mga gamit (partikular na ang mga kumot at banig) na na-donate sa Sto. Tomas Gym. Ito ay kahit gabundok pa di umano ang supply na yon doon.

Dagdag pa nya, noong inabutan sila ng ibang staff ng mga nasabing gamit at nakita ito ni Madam Tess ay sinita nya sila, gayundin ang iba pang mga bakwit umano na napahiya sa ginawa ng nabanggit na MSWD officer.

"Agad po syang nagalit bakit daw po ako nakuha hindi daw po ako nagpapaalam pero nagpaalam po ako bago kumuha madami nakasaksi kc ksma ko mga kapatid ko at may iba din na napahiya sa paninita nya. Hindi ko po maintindihan kung bakit kami pinagdadamutan ng taong ito???" ika ni Ghielian.

Narito ang buong kwento:


Hi everybody isa po ako sa mga nasalanta nang bulkang taal . Ako po ay residente ng pob. 7 sa talisay at ngayon pong araw na ito npunta kami ng asawa ko at anak ko dito sa sto. Tomas gym . isa sa mga evacuation center para sa mga nasalanta ng bulkan. Pagdating po nmin dito hindi po kami tinanggap nang babaeng ito puno ndaw po pero base sa nakita nmin may space pa poh para samin. Nakiusap po ang aking ina na c Raquel Carandang para makasama kami dito may mga tao pa po sya nilapitan para lang pumayag ang babaeng ito.. Ang sabi poh nya cge daw poh tatanggapin nya daw po kmi pero wag daw po kami manghi2ngi ng kumot at banig kasi wala ndaw po.pero madami nman pong nakalaan na sleeping kit para sa mga apektado ng bulkan. Bundok bundok pa nga po. Kinailangan po namin nang pamalit nang damit kaya lumapit po ako sa mga nka assign para sa mga pinami2gay na damit at sinabi ko po na bagong dating lang ako agad po nila akong binigyan ng damit at pati kumot inabutan pa po nla ako at ang anak ko pero agad pong lumapit itong c Mam Tess daw hnd ko po alam 22o nyang pangalan MSWD daw po sya dito sa sto. Tomas gym. Agad po syang nagalit bakit daw po ako nakuha hindi daw po ako nagpapaalam pero nagpaalam po ako bago kumuha madami nakasaksi kc ksma ko mga kapatid ko at may iba din na napahiya sa paninita nya. Hindi ko po maintindihan kung bakit kami pinagdadamutan ng taong ito??? Diba dapat tulungan nya kami ksi hindi maganda ang sitwasyon nmin ngayon??? May naka2kilala po ba sa babaeng ito?? Baka nman po maga2wan ng paraan ang ginagawa smin dito ng babaeng ito...








Next read:

Nakaa-alarmang dulot umano ng Kinder Joy sa kalusugan ng bata, ibinahagi ng isang Nanay

Taal evacuees, inirampa ang kanilang mga naggagandahang kasuotan mula sa donasyon

Netizens, ikinagulat ang napanuod sa video na kuha nang sumabog ang bulkang Taal taong 1965

Single mom’s open letter to LP and CBCP: You cannot even empathize with the real victims for your political agenda!

Source: Ghielian Carandang


Love this article? Sharing is caring!

Relief goods, ipinagdaramot raw sa mga bakwit ng isang officer mula sa MSWD Relief goods, ipinagdaramot raw sa mga bakwit ng isang officer mula sa MSWD Reviewed by The News Feeder on 16 January Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.