Kung nakakatuwa makita ang mga pinoy na tumutulong sa kapwa Pilipino, paano pa kung ibang lahi na?


Kaya naman laking tuwa na lamang ng marami nang lumabas sa social media ang isang larawan ng mga batang dayuhan na nais tumulong sa mga nabiktima ng pagsabog ng bulkang Taal. 

Kwento ni Markee Camiso sa kanyang Facebook post, uploader ng naturang picture, ang mga bata sa larawan ay nagbebenta ng mga laruan para tumulong sa dalawang bansa: ang Australia at Pilipinas. 

Matatandaang malaking dagok ang dumaan sa Australia nang ilang buwang tumagal ang bushfire sa ilang bahagi nito. 

Samantala lubha namang nasalanta ng volcanic eruption ng Taal ang kalakhan ng Batangas. 

Base sa post ni Camiso, pinoy na nagsabing hometown nya ang Batangas, ang mga bata ay kasalukuyang nasa La’ie, Hawaii. 

"These kids from La’ie community are selling their toys to help people from my hometown- Batangas and animals in Australia. Mahalo!" ika nya sa caption. 

Tignan ang larawan ng napaka-cute na mga chikting:


Source: Markee Camiso


Love this article? Sharing is caring!

Mga bata sa Hawaii, binebenta ang mga laruan para sa mga biktima ng Taal eruption at Australia fires Mga bata sa Hawaii, binebenta ang mga laruan para sa mga biktima ng Taal eruption at Australia fires Reviewed by The News Feeder on 19 January Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.