Labis-labis ang naibulalas na galit ng isang misis na taga Batangas sa kanyang mister nang magharap ang dalawa sa Raffy Tulfo in Action.

Bakas ang lubhang pagkamuhi ni Venus sa kanyang mister na si Baot nang sila ay pagharapin ni Raffy Tulfo.

Sa kanilang pag-uusap, nagpupuyos ang damdamin ng BatangueƱang misis dahil sa pangangaliwa ng kanyang mister. 

Ayon kay Venus, sa kabila nang paulit-ulit na pambabae ni Baot ay hindi nya ito iniwan. Gayunpaman, nagawa pa rin ulit nitong lokohin ang kawawang misis. Partikular nung araw na pumutok ang bulkang Taal.


"'Ginagawa nyo akong tanga! Hindi mo naisip habang ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko, yung mga anak ko! Masasabugan na kami ng bulkan, ikaw pa ay nagpapasarap sa babae mo!" sigaw ni Venus sa hindi makaimik na mister.

Nakausap din ni Venus via phone call sa naturang programa ang naging kabit ng kanyang mister ngunit paliwanag ng babae, ang pagkakaalam nya raw ay hiwala na umano ang lalaki sa kanya asawa bago naging sila.

Katwiran ni Venus, punong-puno na sya sa ginawa ng kanyang mister kung kaya't sumbong nito kay Raffy, nais nya na lamang muna itong ipakulong para magtanda.

Source: Raffy Tulfo in Action


Love this article? Sharing is caring!

'Masasabugan na kami ng bulkan, ikaw nagpapasarap!': Taal victim na misis sa mister na salawahan 'Masasabugan na kami ng bulkan, ikaw nagpapasarap!': Taal victim na misis sa mister na salawahan Reviewed by The News Feeder on 3:28 PM Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.