Ilang araw matapos pumutok ang bulkan, isang mapusong liham ang isinulat ng isang Batangueño para sa Taal volcano.

Marami ang naaliw sa nasabing open letter na naka-post sa Facebook page na Bangon Batangas kaya naman nag-trending ito. Sa kasalukuyan ay meron na itong 77k reactions, 70k shares at 5.9 comments.

Sa naturang liham, nakiusap ang sumulat na tumahan at kumalma na ang napakagandang bulkan na kanilang pinakamamahal.

Ika pa ng nagsulat, ang tawag raw nila sa bulkan ay 'puso ng Batangas'.

Narito ang nakatutuwang open letter:


Dear Bulkan Taal,
Kamusta na ga, ikaw ga e galit pa din? Kalma na ikaw, nasisira na ang iyong ganda pg ikaw e gay-an.. ang mga tao at mga hayop na nakatira sa malapit sa iyoy mga natatakot na.. kung talagang galit ay ilabas mo na, pero pagkatapos nun ikaw e tatahan na nang kamiy makapagsimula na ulet.. ay baka hindi mo alam, kahit saan kami makarating at my nagtanong kung kamiy taga saan, taas noo naming ipinagmamalaki na kami ay nakatira malapit sa iyo.. ay talaga namang pagkaganda mo pg ikaw e pirmi e, tawag nga sa iyo e puso ng Batangas.. sa ganda naman nga ng ating lalawigan lalo na sa mga baybayin ng lawa mo, ay inang, talaga namang babalik balikan kahit kamiy nangingibang bayan.. Ikaw e kumalma at tingnan mo ngay-on ang paligid mo, ay talaga namang nakakaiyak ang itsura ngay-on.. tahan na.. wag ka mag alala, ikaw e mahal na mahal pa rin namin.. alam kong mahal mo din kami.. tahan na... nang kamiy makabangon na at nang ikaw e bumalik na ulet sa iyong ganda.. tahan na, pg sa bait naman..
Isa laang ang aking napatunayan sa pagkagalit mo, na kaming mga batangenyo pala ay ganung katindi ang pagkakaisa.. kita mo ga? Aba ay kahit karibok at puno ng alikabok tlga namang kita ang bayanihan sa isat isa.. may nakita ka gang nagreklamo di ga e wala.. maiingay laang kami at akala e matatapang, pero pusong mamon sa oras ng pangangailangan... ay sya tatapusin q na d2 at pagkahaba na.. ikaw e magpahinga n at ilang araw ka nang naglulupage..

Nagmamahal,
Bangon Batangas

Source: Bangon Batangas


Love this article? Sharing is caring!

Tagos sa puso! Isang Batangueño, may pakiusap sa Taal volcano Tagos sa puso! Isang Batangueño, may pakiusap sa Taal volcano Reviewed by The News Feeder on 2:59 PM Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.