Kasunod ng patuloy na pagbuga ng makakapal na usok ng nagngangalit na bulkang Taal ay ang kalunos-lunos na sinapit naman ng mga pinyahan sa Tagaytay.
Sa isang Facebook post ng GMA News, makikita ang kalagayan ng malawak na lupain na puno ng mga pinya. Sa kasamaang palad, tila nagmistulang bato na ang mga ito matapos maligo sa makapal na abo na dinala ng hangin mula sa nasabing bulkan.
Ayon pa sa caption ng GMA News, isang haciendero ang nababahala na maaari itong maging hudyat ng pagwawakas ng Tagaytay pineapples kung sakaling ang patuloy na pagbagsak ng mga abo ay permanenteng sirain ang kanilang mga lupain.
Narito ang mga litrato:
Source: GMA News
Love this article? Sharing is caring!

Libo-libong pinya sa Tagaytay, naligo sa abo ng bulkang Taal
Reviewed by The News Feeder
on
14 January
Rating:
No comments:
Share your thoughts here...