Ayon nga sa kasabihan, sa oras ng kagipitan mo makikilala ang mga taong totoong nagmamalakasit sa iyo. Ito mismo ang nangyayari ngayon sa lalawigan ng Batangas matapos ang pagputok ng bulkang Taal.


Sa gitna ng unos na nagdulot ng malaking perwisyo sa malaking bahagi ng lalawigan, isang karinderya doon ang nagpakita ng kagandahang loob sa kanyang mga kapwa Batangueño matapos itong magkawanggawa.

Makikita sa Facebook post ng isang netizen na si Angel Efryl Castillo ang anunsyo na sila sa M. CASTILLO EATERY ay namimigay ng libreng pagkain sa lahat ng mga napilitang magbakwit dahil sa panganib na dala ng pagsabog ng nasabing bulkan.

"Free food to all evacuees!! Malapit lang po sa kanto ng manghinao 😇 Feel free to come po! 💖 Salamat din po sa mga nagbigay ng tulong mapapera, raw meat,softdrinks and water 😇God Bless us all", ika ng Facebook post.

Umani ng papuri ang ginawa ng naturang pamilya na nagpapatotoong buhay na buhay ang bayanihan sa puso nating mga Pilipino tuwing sasapit ang ganitong mga hindi inaasahang pagkakataon.

Narito ang ilan sa mga litrato sa Facebook post ni Angel:













Sa kasalukuyan ay umabot na sa 64k ang share ng Facebook post.


Source: Angel Efryl Castillo


Love this article? Sharing is caring!

Isang Karinderya, nagpakain ng libre sa mga bakwit sa Batangas Isang Karinderya, nagpakain ng libre sa mga bakwit sa Batangas Reviewed by The News Feeder on 13 January Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.