Inulan ng batikos ang Skyranch sa Tagaytay. Hindi kasi nagustuhan ng ilang netizen ang tila pagmamadali nito na magbukas agad habang ang kalakhan ng Batangas ay hindi pa rin nakakaahon.

Sa Facebook page ng GMA News, makikita ang isang post tungkol sa opening ng Skyranch kung saan may mga mascot ito na nag-aanyaya sa mga tao na pumasok at maglibang.

Kung titignan ang comment section, makikita na marami ang hindi ikinatuwa ang muling pagbubukas ng nasabing park.

Paliwanag ng maraming netizen, hindi magandang unahin pa ang pagpunta sa mga lugar na gaya nito at magsaya habang ang katabing lalawigan nila na lubhang nasalanta ng bulkan ay hirap na hirap pa rin hanggang ngayon.

May ilan naman na iba ang pananaw sa pangyayari. Pabor kasi sila sa pagbubukas nito para raw maaliw kahit papano ang mga bata na na-trauma sa nasabing kalamidad.

Samantalang ang iba ay natatakot para sa kaligtasan ng mga taong pupunta sa naturang lugar dahil sa walang kasiguruhang pagkalma ng bulkang Taal.

Gayunpaman, tingin ng ilan ay mas pinahahalagahan pa umano ng naturang establisyimento ang pera kesa sa kapakanan ng mga tao na ang kaligtasan ay hindi tiyak.

Narito ang ilan sa mga komento:










 


 

Source: GMA News


Love this article? Sharing is caring!

Skyranch sa Tagaytay, inulan ng batikos dahil sa agarang pagbubukas Skyranch sa Tagaytay, inulan ng batikos dahil sa agarang pagbubukas Reviewed by The News Feeder on 18 January Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.