Dahil sa paga-alburoto ng bulkang Taal, hindi nasunod ang dream wedding na gusto ng couple na ito na pinagplanuhan pa nila ng dalawang taon.

Nabulilyaso ang plano ng ngayon ay mag-asawa nang sina Patrick Feliciano at Maricar Gertes. Ito ay matapos ang hindi inaasahang pagsabog ng bulkang Taal sa Batangas na nagsimula noong Sabado, January 11.

Kung kaya naman hindi mapigilang umiyak nang dalawa habang sila ay pinag-iisang dibdib hindi dahil sa sobrang kaligayahan, kundi dahil sa labis-labis na panghihinayang nila sa mga planong hindi nila naisakatuparan.

Mula sa kanilang guest list hanggang sa kanila mismong mga suot, makikitang hindi ganoon ang sitwasyon na inasam ng dalawa na maranasan para sa isa sa mga pinakamahalagang araw ng kanilang mga buhay.

Sa Facebook post ni Patrick, makikita pa ang hashtag na #TheDisasterWedding.

Narito ang video at ilan sa mga larawan ng dalawa habang kinakasal:








Source: Patrick Feliciano




Love this article? Sharing is caring!

Nasirang wedding plans dahil sa bulkang Taal, sobrang ikinaluha ng couple habang kinakasal Nasirang wedding plans dahil sa bulkang Taal, sobrang ikinaluha ng couple habang kinakasal Reviewed by The News Feeder on 11:04 PM Rating: 5

No comments:

Share your thoughts here...

Powered by Blogger.